July 31st.
Hello. Kumusta ka na? This date would’ve been our 8th (tama ba?) year together. Our special day. We thrived through the years. We became so dear with each other, hence our endearment. We have built a strong kind of friendship. From strangers to friends. Friends to being best friends. Best friends to lovers—almost. And as much as we want to reach that certain level in a relationship—a commitment as they say, unexpectedly we went back to becoming strangers again. Hmm. I guess life happens, right?
As you know me, this is just my way of expressing. Hehe. I hold nothing against you, I promise. I am grateful for everything I’ve shared with you. That I have known a person like you, so precious that I have given everything for you. Lagi ko sinasabi sa sarili ko, “Marami na ‘kong na-invest. Malayo na narating natin. Marami na tayong napagdaanan, ngayon pa ba ko susuko?” I loved you. I loved you for who you are and with everything you have.. Dito lang ako lagi. Di kita iiwan. Di kita papakawalan. But one thing I really aaaand finally learned these days is that, hindi pala sa lahat ng panahon ay lagi kang nakakapit. Hindi sa lahat ng panahon ay tama pa ring manatili. Hindi maisasalba ang isang relasyon ng pagmamahal lamang. Hindi sapat na mahal ka niya o mahal mo lang ang isang tao. May mga pagkakataong pahihintulutan ka na ng tadhana kasi kailangan mo ng kumalas at humakbang. Hahakbang hindi para lumapit pang lalo sa taong mahal mo. Ngunit hakbang itong palayo. Para sa kalayaan niya. Para sa kalayaan ng isa’t isa.
Sobrang sakit. “Bakit ganoon na lang kabilis at kadaling maglaho? Bakit hindi na ‘ko?”—yan ang mga paulit ulit kong tinatanong noon. ‘Yong samahang kaytagal, mga alaalang nabuo at pagmamahalang nasubok ng panahon. Ngayon naglaho na. Naubos ka na. Nawala na. Mga pangakong naiwan sa ere. Wala ng sasalo. Wala ng tutupad. Bumitaw ka ng ganoon lang. Nasaan na iyong dating laging lumalaban? Hindi na kayang lumaban dahil mayroon na palang bagong ipinaglalaban.
Sobrang sakit. Nakakapanghina. Nakakawalang gana. Nakakabaliw. Nakakagalit. Nakakalungkot. Nakakadurog ng puso. Pero kailangan ko ng umusad. Umusad papalayo at paunti unti. Umusad sa direksyong hindi na malilingon pa ang mga nakasanayang araw-araw na kausap ka at nasa tabi lang kita—di alintana ang distansya, ‘pagkat laging sabik na muli kang makikita at mahahagkan.. Hindi na lilingon.
Sobrang sakit. Kakayanin ko ba? Pinipilit kong isipin ang lahat kong pagkukulang. Pilit ring tinatanggap na hindi na maibabalik ang dati.. Kaya matutulog na lang. Susubukang ipikit ang mga mata at aasang sa muling pagmulat nito’y hindi na ikaw ang maaalala.
It hurts when you start forcing yourself to forget everything with the person you thought ‘the one’.
Marahil hanggang dito na lang talaga ang yugto ng ating kwento. Salamat sa mga alaala, mga plano at pangarap, mga ngiti at tawanan, mga tampuhan at away, mga tinging kay wagas, mga yakap, halik at matatamis na “mahal kita”. Hindi ko malilimutan. Dalangin na sana’y sa tuwing babalikan ay saya na lamang at hindi na sakit ang madarama.
Marahil ito na ang hinihintay kong kasagutan Niya sa aking panalangin. For many years, I wrestled to myself and tried to avoid this forbidden feeling I have for you. But it all changed the day when we confessed and knew what we really feel with each other.. And that’s where I started. Nagsimula akong humiling, mangarap at umasa na ikaw nang ibibigay Niyang makakasama sa pagtanda. Ikaw din ba? Sino bang hindi nais na magkaroon ng katuwang habambuhay? Iniharap at idinalangin na sana’y ikaw na nga. Pero hindi na yata tayo tugma ng ating mga panalangin. Iba na’ng gusto mo. Hindi na ako ang gusto mo.
Unti unting nakikita na ang tunay Niyang nais ay iba—isang palaisipan at mahiwagang plano na tayo ay hindi para sa isat isa.
Pareho at sabay tayong lumalaban. Lagi nating pinipili ang isat isa. Araw-araw. Ikaw ang hiwaga. Ngunit sa paglipas ng bawat sandaling tayo ay magkalayo, sa pagtagal ay naramdaman kong ako na lang pala ang lumalaban. Napagod at nanghina ka. Naiwan ako sa gitna ng laban. Naiwan akong sinukuan— ng hindi ipinaglalaban. Kasi wala na. Tapos na.
Tapos na.
Gusto ko sanang iparating sa’yo to sa pamamagitan ng isang sulat. But I know you wouldn’t like the idea. Patawad. So, please just allow me to write this open letter here. About us. Telling you I love you one last time (parang sa kanta lang hehe)
Forgiveness won’t be easy. And so does healing. But I know it’ll come around someday. I also know that you will be okay. We will be. Slowly, slowly, until we find ourselves again— healed and ready to move forward. We’ll get by through time. We still have a lot to fix and to overcome. I’ve been a lot worst—when Papa passed away. And now, a best friend, who was once my favorite person has left me.
Maging masaya ka. Maging matapang ka. Sumugal ka. Lumaban ka na. Magpakatatag ka. Learn from me and be better. At higit sa lahat, nawa’y maramdaman mo ang totoong pag-ibig Niya na di kayang ibigay ng kahit sino man. So you’ll be able to start again and fully give away this love to someone—who is worthy for you.. Someone who’s best for you.
Salamat sa walong taon. Natutunan kong mas maging mapagpasensya at palawakin ang pang unawa. Natutunan kong huwag agad sumuko. Natutunan kong manuyo at suyuin. Natutunan kong maghintay. Natutunan kong magpakumbaba. Natutununan kong magbigay ng walang hinihiling na kapalit. Natutunan kong mag alaga at kung paano alagaan. Natutunan kong magmahal at mahalin.
Ang araw na ito, simula ngayon at sa mga susunod pang panahon ay mananatiling magandang alaala sa akin.
Here’s to beginning of an end. 🍃
dear