Andito nanaman ako sa mundo
sa mundong di alam ang dulo
isip ay sobrang lito
tunay na nakakahilo
huminga ka ng malalim
baka sakali ay makakubli sa lilim
lumalaban ng mataitim
kahit mag sang natayo ng palihim
wag papalamon sa lakas ng alon
kayanin sumabay at wag tatalon
makakaya mo ring maka ahon.
tandaan mo ang PADAYON.
“Lahat ng tao ay may pinag dadaanan, lahat ay may kanya kanyang maskara,
sa likod nito ang totoong mata at pusong nakakubli sa anino nila. Maaaring
akala mo hindi ka padin umaandar o umuusog man lang, pero iyong tandaan
hindi naman palageng ganito ang ating dadaanan. Kumapit ka pa ng konti kahit minsan ay parang wala naman na talagang kakapitan pa. Lumaban pa ng konti at tandaan ang tanong na saan ka ba dapat pumunta? ano pa ba ang gusto mo matupad sa buhay? sino pa ang gusto mong mapasaya? Laban pa. Kayanin pa.”