Sila’y muling nagkita at nag-usap na tila ba’y gusto na niyang tapusin ang lahat.
At dahil sa paulit-ulit niyang pagkakamali, wala na siyang karapatang ipaglaban pa ito.
Sapagkat alam niya sa sarili na ito na ang huling tugon na kaniyang maririnig
sa taong pinahalagahan lang niya, pero hindi niya tunay na minahal.
“Ako’y sa iyo, at ikaw ay akin lamang!”
– Mga salita mong hindi ko na kayang panghawakan.
“Ikaw lang ang aking mamahalin…”
– Pero bakit siya ang iyong pipiliin?
“Tanging ikaw lang naman at wala ng iba!”
– Akala ko rin talaga, pero hindi pala!
“Basta ang alam ko mahal kita!”
– Hindi! Ang totoo ay mas mahal mo siya!”
“Hindi na kita iiwan”
– Pero nasaan ka nung mga panahong kailangan kita?
“Pwede pa ba nating ayusin ulit at pangakong ako’y magbabago.”
– Matagal ko ng inayos ang aking sarili at ngayon ay natuto na ako.
“Sige, paalam na. Sana’y may magmahal ulit sayo”
– Salamat sa paglisan, sarili ko muna ang mamahalin ko”