ANG IKA-APAT NA SULAT: ANG HULING TUGON

Mahal, gusto ko sanang sabihin sayo ang lahat,
Pero hindi ko parin pala kaya,
Kaya heto muli ako’t dinadaan sa sulat,
Baka sakaling okay na ako sa muling pagmulat,
Pasensya na kung ito na ang huli,
huling pagsama,
huling mensahe,
huling pagtitig sa mata mo,
Patawad kung hindi ko na kayang manatili,
Sa tabi mo habang nakikita kang masaya,
Saya na dulot ng presensya nya,
Saya na nagpapakitang totoong mahal mo na nga sya,
Patawad pero hindi ko na kayang maging kaibigan mo,
Hindi ko na kayang pilitin ang mga tawa,
At pigilin sa pagpatak ang mga luha,
Patawad kasi masyado palang masakit,
Patawad kung pipiliin ko naman ang sarili ko,
pipiliting kalimutan ka,
pipiliting tumalikod at hindi na lumingon pa,
pipilitin ko kahit masakit kahit mahirap,
Ayoko ng ipilit ang sa una palang hindi na pwede,
Patawad kung pipiliin ko namang sumaya,
Papalayain ang sarili sa lungkot,
Bibitawan ang katiting na pag asa,
Sa pagkakataong ito ako nalang muna,
Makasarili na kung makasarili,
Pero sana maintindihan mo na may damdamin din ako,
Na kaya ako umabot sa puntong ayoko na,
Kasi sobrang sakit na,
Kasi mas masakit pala magmahal ng hindi naging sayo,
Yung inakala mong meron,
Kumumpleto ng araw mo sa bawat araw,
Sinamahan ka sa pagbuo ng mga bagong alaala,
Pinangiti ka sa maraming dahilan,
Pinakilig ka kahit sa mga simpleng banat,
Pinaramdam na mahalaga ka,
Tapos isang araw malalaman mo mali pala ang akala,
Magigising ka nalang isang araw na wala ka ng gana,
Mapupuno ng lungkot ang puso,
Buong araw magiisip kung anong nangyare,
Kung sa lahat ng yon saan ang totoo,
Sa puntong to ang dasal ko nalang,
Na sana tumigil na yung sakit,
At sana sa ikasampung pagsulat ko..
okay na ako,
Mahal…
Mahal kita,
pero siguro tama na.
Exit mobile version