Sa Gitna ng mundong naghihiyawan, nagsisigawan at nagsisiksikan.
May nakakapansin bang ako’y naririto?
Naririto ako at naghihingalo,
hinihingal Sa tunay Na mundo Sa pighati ako nababalot.
Sa mundong malakarera ang bilis
unahang ma abot ang mga ninanais .
Ako ! Ang pagod sa laban.
Ilang beses Na ring naisipan
Na ang buhay ay wakasan.
Ang mga ngiti ,
maskara Sa lungkot Na tunay Kung nararamdaman.
Tumatawa Sa harap ng iba
subalit kapag nag-iisa
ay hindi alam ang patutunguhan.
Sa likod ng mga ngiti
Na pina pakita
ay durog na puso
ang hindi alam ang kahulugan
ng totoong kaligayahan.
Paano ko sasalubongin ang panibagong umaga ?
Na Sa bawat pag gising ko
ay pag gising din ng aking nadarama.
Kaya Sa bagong umaga
magpakalulong at maniniwala sa sinasabi ng mundo,
magpakalunod Sa mga bisyong alak, droga, at sigarilyo .
Baka sakaling mapansin ako ng mga tao mga tao.
Baka sakaling makahanap Sa sagot Sa isipang naglalaro.
At sa oras na ito nagtatanong ka naghahanap ka na katulad ko
Sa mga kasagutan at kagalingan Sa mga pusong nadurog at iniwan.
Pagkatapos ng mahabang kalungkutan ngayon natamo ko ang liwanag.
Liwanag na nagbibigay pag-asa.
Alam kung ako ay hindi karapat dapat
Hindi ang tulad ko ang makaharap
ngunit sinabi ko sa aking sarili
Na Ito ang matagal Kung hinahanap.
Inakalang wala ng pag-asa.
Inakalang ang Laban ay tapos na
ngunit ako pala ay ipinaglalaban niya.
Pagkalipas ng mahabang kalungkutan
ngayon ay naranasan ka at sinabi mong “Anak mahal Kita” ,
iniwan Ka mn nila ngunit Hindi Kita iiwan dahil mahal Kita.
At sinabi ko ulit Sa aking sarili Na kung naranasan Ka nila.
Ako rin! Sanay maranasan din Kita!
At nais Kung malaman mo
Na wala akong ibang kailangan kundi ikaw.
Nais pa Kitang maranasan.
At sa paglapit ko dala ko ang buong tiwala,
dala ang pananampalataya
Na ikaw Jesus ang kasagutan at kagalingan
sa mga pusong durog at iniwan.
Sa isang hakbang palapit sayo
hinahawi ang kalungkutan Sa damdamin ko.
Isang hakbang naglalaglagan ang mga takot at pangamba.
At Sa paglapit ko
ikay naka ngiti
at sinabi mong ang langit ay nagbubunyi.
At Sa oras na Ito
Hindi ko ikinakahiya
Na si Jesus ang tanging daan sa liwanag na natamo.
-Binibining Joyce Salig