Ang Sakit Pala

Akala ko pagnatapos na satin lahat sasaya na ako
Lalaya na ako sa paghihintay sa taong ako’y binabalewala
Na kahit gawin ko lahat ako sayo’y walang halaga
Kulang nalang ipagtabuyan mo pag wala kang gana
o pag ayaw mo na akong makita
O pag wala kang oras dahil abala ka sa iba.

Akala ko pag ikaw yung bumitaw mas madali sakin
ang makalimot
Na hindi ako masasaktan dahil yun lng naman
talaga yung hinhintay ko
Yung ikaw ang sumuko at magsabing “di ako nararapat sayo”
Pero ang sakit pala
Ang sakit na hindi mo ako pinaglaban
Na hindi mo pinaglaban yung pagmamahalan natin

Pagmamahalan na pinagtibay ng panahon
Pagmamahalan na tumagal ng maraming taon
Pero nasan ka na ngayon at bakit naghihintay ako
Bakit umaasa ako na magpaparamdam ka pa
pagkatpos kong hintayin ang pagbitaw mo?

Dalawang buwan na ang nakalipas pero masakit parin
dalawang buwan na mula ng sinabi mong ayaw mo na
Dalawang buwan na pero hindi parin ako makausad usad.

Habang tumatagal mas nararamdaman kong ang sakit pala
Ang sakit pala yung palayain ka dahil di ka kayang ipaglaban
Hindi ka kayang piliin na maging parte ng buhay at kinabukasan nya.
Ang sakit pala na sa kabila ng paghihintay mo
Bibitawan ka na lang kahit alam mong
may mga paraan pa pero para sa kanya hindi na nya kaya.

Ang sakit pala.
Katotohanan hindi ko kayang takbuhan kahit anong kubli pa ang gawin ko sa inyong harapan.
Dahil sa likod ng mga tawa, ay hindi kayang lokohin ang sarili kung gano kahirap tanggapan
na tayo’y tapos na.

Published
Categorized as Move On

By jeanezee

Silence keeps me...

Exit mobile version