Ano ang gagawin mo pag nafall kana o umaasa kana? Tips for dummy like me!

Grabe! bakit ba ang daming sikat ngayon na kanta tungkol sa love. Based on research this generation is the generation of Hopeless romantic.

Oh I see, pero di naman talaga ako sa Love song nagulat pero dun sa topic na pinaasa at nafall.

*Kung nararanasan mo na ngayon na na fall ka o umaasa kana sa isang relationship, Go tuloy sa pag basa. pero kung hindi pa ma recommend ko sainyo na basahin yung isang blog ko (Pafall at Paasa, and how to prevent it. Tunay na lalake style!).*

Mabalik tayo, Talamak ngayon ang di umano mga napaasa at na fall sa taong di naman sila gusto. Na hangang sa huli ay nasasaktan at naauwi sa obsesyon at depresyon. Napaisip ako, pano nga ba ang gagawin kung na fall kana at umaasa kana sa isang relasyon na maging kayo? Mag mukmok o mag feeling biktima, mag parinig sa social media at magshare ng kung ano anong hugot lines, o tulad ng sa leron leron sinta ay “humanap ng iba”.

Ngayon ang tanong nagusto kong sagutin at maibahagi sa inyo ay:

Ano ano ang dapat mong gawin pag na fall kana o umaasa ka na?

Disclaimer: Di ako ang pinaka magaling o eksperto sa mga ganito pero ang ilan sa mga sagot ay ayon sa mga nakaranas na nito at mga bagay na ginawa nila nung panahong ito.

Di ko alam na kakaiba ang kalalabasan ng survey ko tungkol sa tanong na ito, maraming opinion at suggestion ang bawat isa.

Ito ay ilan sa mga sagot nila:

Basic.

Depende sa reason at season

gigil po sya.

Safe Answer

End game

  • Ititigil na kase masasaktan ka lang!
  • Aamin ako sa kanya ng magka alaman na!
  • Itutuloy ko lang kase may dahilan!

On the other hand, may ganitong idea,

but in the end sabi ng lahat, you need to decide “What’s your next move?”, and siguro dito papasok yung sagot ko.

Sakin, eto yung totoo. di ko ititigil kase kaya ko namang mag wait, if umaasa nako I’ll do my best to be better pa while waiting. (WeddingThoughs: #IvylongtoJames) Pero reready ko na din yung heart ko na ma reject kapag inamin ko na. pero habang umaasa ako, pag pray ko sya everyday, faith parin e. para sakin naman kase ang problema is what is your next move. kunwari di nyo pa season tapos aamin kana, thats wrong at surely ma rereject ka lang pero kung season nyo naman na at di ka pa rin umaamin, maling mali din kase dyan papasok yung “hangang umaasa nalang” tapos magagalit sa mundo kase “napaasa daw”. Hay nakooo.

Sa huli ikaw parin yung mag dedecide kung hahayaan mo na mauwi sa pina asa at na fall sa wala ang lahat . pero ang alam ko lang talaga, ang nag bago ay mindset ko kahit umaasa ako ay ang faith na nabuo saakin na si God di ako pababayaan at hahayaang mapunta lang sa wala lahat ng ginagawa ko.

dasal ko sa ating lahat na UMAASA AT NAFALL, ay maranasan nyo sana ang faith na nararanasan ko kesa sa depresyon at pakiramdam na kawawa. Na may panghawakan kayo sa oras na naiisip mong wala kang halaga at nag mamahal sayo. na may liwanag sa madilim mong puso at sa huli ay makilala mo si Jesus na Diyos at tagapagligtas dilang sa kasalanan ngunit sa mga pafall at pa asa. Amen

Exit mobile version