Anong meron sa moon/buwan?

Una sa lahat kapag binasa mo ito wala kang matututunan sa larangan ng agham. Dahil kapag tinanong ko kung anong meron sa buwan hindi ko pakikinggan kung anung nakapaloob diyan sa librong hawak mo…

dahil sa tuwing mababanggit ang salitang buwan siya lang ang maaalala ko..

Oo tama tanging siya lang ang maaalala ko…

Siya na nagsisilbing liwanag sa madilim at malungkot kong mundo…

Bata pa lang ako hilig ko nang titigan ang buwan, kahit anung gawin ko mapapalingon at mapapalingon ako sa ganda nito..

May misteryong bumabalot sa buwan na masarap alamin, may bumabagabag sa puso ko may gustong hanapin..

Kapag tinanong ako kung anong meron sa buwan ang sagot ko ay mayroong “siya”

Mayroong siya na handang damayan ako sa magulo at nakakabinging mundo

Mayroong siya na ibig kong mahalin sa pagmulat pa lang ng mga matang ito

Siya ang aking buwan…

Siya ang aking misteryo…

Siya ang aking nahanap..

At uulitin ko…

Kapag tinanong ako kung anong meron sa buwan…

Ang sagot ko ay mananatiling “siya”

 

 

 

Exit mobile version