Anong nangyari sa TAYO?

Pinaramdam mo sakin ang pagmamahal na walang katulad nung ikaw pa ay akin. Ni minsan hindi pumasok sa utak ko na kaya mo kong iwan. Naging kampante ako sa salitang “Hindi kita kayang iwan.”

Masakit palang maiwan. Masakit palang mawalan. Ilang beses ko na ding sinubukan na bawiin at baguhin ka. Alam ko kaseng yun ang tama. Sinubukan ko lahat ng bagay at paraan mabawi ka lang.

Sa tuwing humihigpit ako ng kapit sa kamay mo, mas lalo ka namang lumalayo. Hindi ko na alam yung totoo. Sabi mo mahal mo ko, pero bakit ganto?

Anong nangyari sa TAYO?

Published
Categorized as Depression

By Gerald Dacanay

Soon to be RPh.

Exit mobile version