Anong Page Na Ba Tayo?

Akala ko sa Libro Ng Pag-ibig ay may “Tayo”.
Bakit nga ba hindi ko namalayan na sa Preface pa lang wala nang ikaw at ako.
Sa Table of Contents, sinubukan ko din hanapin pero walang partikular na Title at Page number para dito.

Umasa ako masyado sa mga linyahan mo. May mga nakaligtaan na page pala ako.
Yung mga footnotes tungkol sayo, binalewala ko.

Magkikita na sana pero may bigla kang nakilalang bago at nabaligtad na agad ang mundo
Ang bilis palagi ng pagbuklat mo.
Ang daming pages ang napunit at naluhaan ko
Block ako sa messenger, tapos na ang
usapan.
Masahol pa sa na hit and run.

Hindi naman ako nagalit sayo.
Ang pagkakataon at ang sarili ko ang sinumpa ko.
Iyak ako nang iyak dahil sa sakit at dahil hindi na naman natupad ang gusto ko para sa sarili ko.
Bakit hindi nakasulat ang mga yun sa libro na ‘to?

Pilit akong nagdagdag ng ibang pages. Sinubukan ko pang i edit ang mga contents at phrases.
Feeling pang Nicholas Sparks ang level.
Hindi talaga natuto at di nagpapigil.

Hindi pa din nga sumuko.
Ipinagdasal ko pa din araw-araw na muli tayo ay magtatagpo..
Na may pag-asa pa at si Lord ay makukulitan din.
Pilit kong inilaban ang bagay na di Nya plano at inilaan para sa akin.

Lumipas ang mga araw naaalis ka din sa sistema ko.
Nakalimutan ko na basahin ang libro.
Pero bakit ang mundo tila yata mapaglaro.
Isang friend request galing sayo!
Confirm agad! Confirm din ang pagiging marupok ko!
Sagot nga ba ito sa aking dasal o isang pagsubok ni Lord sa akin para iwasan ang sakit at bawal?
Kaya ako ay muling nagdasal.

Tama na siguro.
Kung magbasa man ako, dun na sa next chapter na exciting at bago.
May bagong character, settings at qoutable qoutes na gagamitan ko ng pink highlighter ko.

Tama na siguro.
Paghihintay sa mga maiikling mensahe mo..
Madalas emojis o nasa seenzone lang naman ako.
Ang di mabilang na pagbisita ko sa facebook profile mo at pag swipe at save ng photos mo.
Ang pagaabang kung online ka o active an hour ago.
Ang pag backread sa mga old convo natin na halatang ang kinilig lang naman ay ako.
Tama na ang asahan ko na mauulit pa ang dati na akala ko nasa parehong pahina ng pag-ibig tayo.
Ayoko nang ipilit ang gusto ko.

Kaya naman, kasabay ng pagtaas ng standards ko at pagpapahalaga sa sarili ko..

Lord, ang lovelife ko ay itinataas ko na din Sayo.. ang totoong author ng librong ito.

Published
Categorized as Faith

By Jolly

Happy go jolly 😁

Exit mobile version