Are you not ready?

Are you really afraid of risking? Are you really afraid of falling in Love? Hindi ka ba talaga ready?
Siguro yung iba oo, pero sometimes Hindi. Natatakot tayong magrisk, nagdo-doubt tayo kung tama ba yung taong susugalan natin, and sometimes it’s not all about being afraid, may certain tao ka lang talagang inaantay para sugalan mo.
As what I’ve experienced, akala ko dati takot akong mag risk,takot akong mag mahal. And ending, I’ve found myself crying so many times kasi lagi akong napupunta sa sitwasyon ng one sided love. Ako lang lagi ang nagmamahal. Lahat na siguro ng level ng umasa nagawa ko na.
Sabi ko din nun, I will just give my heart to someone who is willing to take it.
Then,there’s a certain man na willing mag take ng risk for me, I gave him a chance pero nakaramdam ako ng takot, ng doubt. Ayaw kong maging unfair kaya I decided not to continue it.
After nun, narealized ko na akala ko, Hindi ako ready, pero I was wrong, after those moments na umiiyak ako dahil one sided love lagi ang nangyayari, narealized ko na Hindi naman pala ako takot sumugal sa Love.
Nung time naman na meron someone na willing magtake ng risk, there’s something na pumipigil sakin.
The truth is hindi naman pala ako takot magmahal, I’m ready to give all the love that I have pero sa taong gusto kong paglaanan. Minsan, hindi tayo ready kasi WE CHOOSE NOT TO BE READY baka kasi may iba tayong gusto, Hindi mo lang talaga gusto yung taong gusto ka, hindi pa enough yung ipon or gusto mo pang ienjoy ang pagiging single or etc.
Kaya kung tatanungin ako kung kelan uli ako magmamahal, I wouldn’t say na “kapag ready na ko” Instead, I would just say “kapag nandyan na yung taong mamahalin ko at mamahalin akong pabalik” kasi naniniwala ako na pag mahal mo, you’re always ready. You’ll just know it kapag nandun ka na sa right person.No questions, No second thoughts and No what if’s.

Exit mobile version