Nakakamiss pala pag ilang buwan mo na di nakikita yung taong gusto mong makita kase may iba’t ibang bagay na kayong tinatahak sa buhay. Ang malungkot dito kung makita mo man sya ay hindi mo rin naman makausap at madalas hangang tingin ka nalang sa malayo. Nakaka inis din na wala kang magawa dahil ang totoo nyan di ka pa handa sa lahat ng aspeto ng buhay mula Financially, Physically, Emotionally at pati narin Spiritually na mag take ng Risk (The yes or no question).
Maraming mag tataas ng kilay. “Torpe ka kasi”, “Mahina kase loob mo”, “Ayaw mo kasing mag try.” “Meron ding mag sasabi na ang dami daming babae sa mundo siya pa kase na imposible ang gusto mo.” at ang masakit sakit e. “Hindi ka gusto o magugustuhan nyan”. at ang sagot sa lahat ng ito. “Edi WOW!”.
Pero bakit nga ba ako patuloy na nag hihintay? *Hindi umaasa, Naghihintay*
Alam nyo kaya ako ganito kase alam ko na di pa sapat ang kakayanan ko ngayon sa maraming aspeto ng buhay ko. Na laging na oover looked ng mga Kabataan ngayon. Kung maalala natin yung manong na nagsabing “Kung gusto ka at gusto mo sya, Go!”, tapos may mindset ngayon ang mga kabataan na “Mahal ko e!”. nakakalungkot. Marami ang nauuwi sa early pregnancy, unplanned marriage at depresyon.
Pero alam nyo nahirapan ako sa tanong na kailangan kong sagutin na One Million Question;
“Are you willing to wait?”. Pero may karugtong yan, “Dun sa bagay na walang kasiguraduhan?”.
at ang One Million Answer, “Oo”, Pero ang idadagdag kong tanong ay “Anong gagawin ko habang nag hihintay?”. Napaisip ako. tutunganga? mag eenjoy lang sa buhay? mag eexplore ng ibang relationships? o Mag hihintay lang ng milagrong walang ginagawa?…
Dito gusto ko kasing ipasok yung tinawag ng mga Christian na the God Card; God will Provide in all aspect of my life to be better person. pero guys, sabi sa bible “Faith without work is dead”. kaya napaisip ako. Ano na?, Ano na? at Ano na?
Eto na ngayon ang Mission/Goal ko habang nag hihintay.
- Emotional strengthening – kase sabi nga sa panagalawang tanong na di naman 100% Assurance yamg hinihintay mo. Kakayanin mo yung point na may nauna sakanya at masaya sila o Nireject ka nya at sinabi nya ang pinaka masakit na sagot “NO!”. para di mo ma feel na end na ng buhay mo at walang nagmamahal sayo o mag depress-depressan ka dyan.
- Financial Planning and Stability – kase magsisimula yan sa date na kakailanganin ng pang gastos. nakaka hiya naman kung sa magulang mo galing yung pang date mo. kasama din yung inipon mlng baon sa nanay mo parin galing yan hoy. at ang end point mag papakasal ka, bubuo ng pamilya at kakailanganin mo yan sa ganitong sitwasyon. kaya be ready also Financially.
- Physical fitness – Maraming sumisigaw sa tabi ko na kailangan to hindi lang para sa ganito but para sa sarili ko rin. Dahan dahan maabot natin to. Gawing inspiration. Wag lang mag depress depressan kase may magagawa kapa kung katulad kitang MALAKI ang pangangatawan. at ang huli,
- Spiritually Ready – Isa sa pinaka mahalaga dahil naniniwala ako na mawala man yung unang tatlo meron lang nito okay na pero di ko sinasabing di mahalaga yun but mahalaga to. isa sa mga magiging problema ng kabataan ngayon na walang pundasyon ang kanilang relasyon at kung meron man ang maririnig mong sagot ay “mahal ko e”, pero ang totoo mahalaga talaga na Christ Centered yung relationship nyo na may gimagabay, protekta, umaalalay at nagmamahal sa inyo habang minamahal nyo ang isa’t isa.
Totoo nito kaya ganito yung post ko kase na bobother ako sa nakikita kong post sa Social media at syempre ang pinapakita ng Mainstream media na babangitin ko.yung isa. PBB OTSO. hay nako, 14-17 ano baaaa. hays. ang mundo talaga galing mag manipula. akala tuloy ng mga kabataan ngayon okay lang ang magkaroon ng maaganag relationship at di ka in pag wala ka.
Sana na gets nyo ko at bakit laging ganito ang post ko. hindi ako namomoblema sa ganito kase marami akong accountable na tao, mentors, kaibigan at pamilya na tumutulong sakin. at ako sa inyo.
Single ka ngayong pasko? wala kang date?
Andyan yung pamilya mo. at kung wala tandaan mo may nag mamahal sayo kahit sino ka paman. di lang dahil sa maganda mong characteristic kundi as package na ikaw na namatay sa krus para saatin. Si Jesus. Na sana tangapin mong PANGINOON AT TAGAPAGLIGTAS dilang sa kasalanan kundi pati sa pag hihintay sa wala. Bow.