Ayaw mo na. Pinag isipan mo ba?

Sabi mo sakin nung isang gabi na tama na. Sinabi mo sakin na hindi mo ko kayang titigan saking mga mata. Napakadali naman kaseng sabihin na ayaw mo na, pero ang tanong eh pinag isipan mo ba? Pinag isipan mo man lang sana. Di lang ikaw ang kawawa.

Hindi dapat natatapos lang ng bigla bigla ang mga relasyong matagal ng pinag hirapang buuin at ayusin. Pinag isipan mo sana na hindi ganun kadali bumitaw sa taong pinangarap mong makasama habang buhay. Mahirap kalimutan ang taong nakasama mo na sa hirap at ginhawa.

Naisip mo sana. Naisip mo sanang di lang ikaw ang nahihirapan maayos lang natin ang lahat. Maging mga magulang mo eh boto sa pagiging tayo, pero bakit ganto? Di mo inisip na masasayang lang lahat. Pinag isipin mo muna sana bago ka kumawala. Hindi ko intensyon ang kulitin ka pero eto ang alam kong tama. Hindi kita kayang pabayaan dahil ikaw ang gusto ko talagang makasama.

Mahal na mahal parin kita iya. Gumising ka na sana. Matauhan ka na sana, habang ako ay nandito pa. Pag-isipan mo muna bago mo sabihing tama na.

Published
Categorized as Waiting

By Gerald Dacanay

Soon to be RPh.

Exit mobile version