Bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko,
Na mabaling sayo.
Na sa bawat segundo, minuto at araw na lumipas ikaw parin ang nasa isip ko.
Nahihibang na yata ako sayo!
Ang pagiging pagkahibang ko sayo
Ay mas lumala lalo.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko!
Mas lalo na kapag patungkol sa iyo.
Ewan ko ba? Kung bakit ako nagkakaganito.
Nasa tuwing naririnig ang boses mo,
Parang nakamarka na ang pangalan mo sa isipan ko.
At nakatatak sa tainga ko ang himig mo.
Kahit hindi ko man maintindihan ang sinasabi at inaawit mo,
Nagtiyatiyaga akong humanap ng paraan para lang maintindihan ito.
Kaya naman masayang-masaya na ako sa tuwing nalalaman ang kahulugan nito,
Na parang tagos na tagos sa aking puso!
Hindi man tayo magkapareho
Sa linguwahe, lugar, at estado,
At malayo man ang agwat ko sayo
Pero iisa lang ang ginagalawan nating mundo.
Yan ang mundo kung umiikot lamang lahat sayo
Ngunit malabo,
Malabong mangyari ang mga panaginip at imahenasyon ko
Na hanggang sa pantasya ko na lamang ito.
Unti-unti kung napagtanto
Na hanggang kanta, music video, litrato mo o iba pa na lamang siguro ako.
Na kahit sa kagustuhan kung malapitan at makausap mo,
Alam kung hanggang pantasya na lamang lahat nang ito.
Ngunit hindi ito hadlang upang kalimutan ko ang tungkol sayo.
Mananatili akong tagapaghanga mo,
Na isa sa mga umaasang makikita at makausap mo,
At mananatiling magmamahal at susuporta sayo.