“Bago ang lahat, ikaw muna”
Bago ka mag good morning sa iba.
Batiin ang iyong sarili ng magandang umaga.
Maging handa sa pagsubok na haharapin.
Maging bukas sa biyayang paparating.
Bago ka magbigay ng attention sa iba.
Laging isipin kung nararapat ba.
Upang hindi masayang ang nilaang oras.
Hindi manghihinayang kung wala nang bukas.
Bago ka magbigay halaga sa iba
Siguraduhing hindi mo nakakalimutan kung gaano ka kahalaga.
Siguraduhing may respeto pang natitira sa iyong sarili at di mo rin nakakalimutan kung sino ka.
At
Bago ka mag bigay ng pagmamahal
Siguraduhin na punong puno ka pa.
Mag mahal ka man ay di magkukulang.
Kulangin man ang iyong minahal iyong mapupunan.
Puso ay di biglang mapapagal.
Kaya bago ang lahat, ikaw muna.
Hindi masamang unahin ang sarili.
Nararapat lamang ito.
Alagaan, yakapin, mahalin ang sarili
sakabila ng mapanakit na mundo.