Bakit?
Yan ang naitanong ko noon. Panahong sinabi mo na kailangan mo ng “space”.
Bakit?
Naitanong ko ulit nung pagkalipas ng isang linggo, nabalitaan ko at nalaman ang “space” na tinutukoy mo. Espasyo niyo ng bago mo.
Bakit?
Naitanong ko sa nag-iisang nakikinig sa akin ng mga time na ‘yun. Siya ‘yung tahimik lang pero nandiyan palagi para ako ay damayan. Bakit pa nagmamahal kung masasaktan din lang naman? Na di ko akalaing sasagutin Niya na nagpabago sa takbo ng isip ko. “Beloved, let us love one another: for love is of God; and every one that loveth is born of God, and knoweth God. He that loveth not knoweth not God; for God is love.” (1 John 4:7-8) Ang sabi nga ni Alfred Lord Tennyson “It’s better to have love and lost than have not loved at all”. Minsan kailangan ding nating masaktan para malaman na tayo nga ay nagmamahal. Di bale, ang pagmamahal naman ay galing sa Kanya, hindi lang lahat ng relasyon ay ayon sa kalooban Niya.
Oo, minahal kita sa puntong sa’yo na umikot ang mundo ko. Na kahit anong sinasabi ng mga nasa paligid, naging bingi ako. Naging bulag sa pag-unawa at nagdepende sa relasyong inakalang tinadhana ng Panginoon.
Sa pag-iyak ko sa Kanya, pinaalala Niya ang mga alalahaning masaya. Na kahit papano, nakilala kita at naging parte ng buhay ang isa’t-isa. Unti-unti kong natanggap at ipinanalangin na maging maayos ang lahat. Noon ko naisip na ikaw lang naman pala ang nawala sa mga taong nagmamahal sa akin. At kalayaang maituturing ang mawala sa kasinungalingang kinutuban ko na pero hindi ko lang pinansin.
Lumipas ang mga panahon, mas ginustong kong kilalanin ang dumamay sa akin. At hindi ko akalain na Siyang nandiyan lagi ay minsan naipagpalit ko na rin. At yan ang sagot kung sa pagbabalik mo ay magtatanong ka ng ‘Bakit’ din.
Halos mag-iisang taon palang tayo noon nung pinapili Niya ako. ‘Yung nung Nangusap Siya at sinabing isuko ko sa Kanya ang anumang pinakamahalagang meron ako sa mga sandaling iyon. Wala akong ibang maisip sa mga panahon na yun kundi ikaw pero hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na sundin ang nais Niya. Natapos ang pagkakataon na hindi kita naisuko sa Kanya kapalit sana ng kagustuhan kong makilala pa at mapaglingkuran Siya.
Minahal din kita, natutunan ko kung paano magmahal pero higit talaga ang pagmamahal Niya. Naalala ko nalang ang mga bagay na ‘to, noong dahil sa habag Niya, binigyan muli ako ng pagkakataong isuko sa Kanya ang gusto Niya, ang buhay ko. Noon ko mas naunawaan na hinayaan Niyang mapunta ka sa iba dahil iba ang plano Niya. Na kahit anong higpit ng hawak ko sa bagay na hindi para sa akin ay kaya Niyang alisin para mas malaman ko kung ano talaga ang gusto ko at mas mahalaga sa buhay ko. Yun ay ‘yung makilala Siya, mahalin at paglingkuran Siya. Yung minsang pinagkaitan ko ay Siya at Siya pa rin na walang ginawa kundi ang patuloy akong mahalin.
Siya ang tunay na Pag-ibig. Siya ang dahilan kong bakit kita napatawad. Siya ang dahilan na sa’yong pagbalik ay nakaya kitang harapin. At Siya rin ang dahilan na sa pagkakataong ito, iba na ang dating nakilala mo. Nadatnan mo man akong walang karelasyon pero alam ko buo ako dahil hindi lang pagmamahal ng tao ang kukumpleto sa buhay ng tao kundi ang pag-ibig ng nag-iisang Lumikha dito.
Patawad kung noon ay hindi kita binitawan agad. Hiling ko ang tagumpay mo sa mga plano mo. At aking din pinapanalangin, na Siya rin ay gustuhin mong makilala at pagkatiwalaan ng bagay na sa ngayon ay maaring hindi mo naiintindhan. Ipagkatiwala mo sa Kanya at hayaan mong maipakita Niya sa’yo ang mga nais Niyang gawin sa buhay mo. Kilala ka Niya at alam kong mahal ka din Niya. Lumapit ka lang sa Kanya.
Sa tanong mo noon na kung pwedeng magkaibigan pa rin tayo, na sinagot ko noon na “siguro sa future pero hindi sa ngayon” hayaan mo, ang ngayon ay future na ng noon pero ‘yun lang, hanggang dun nga lang ‘yun. 😊
To all single ladies, mas magandang unahin munang i-seek talaga ang kalooban Niya. Di tayo perpekto pero sa mga pagkakataong magtatanong tayo, handa Siyang sumagot. Hayaan mong maipasakop mo sa kanya ang damdamin mo. “For just as the heavens are higher than the earth, so my ways are higher than your ways and my thoughts higher than your thoughts.” (Isaiah 59:9) Hayaan mong ang plano Niya, ang kalooban Niya at ang kaparaanan Niya ang siyang mapangyari. At sa mga nasaktan, magpatawad. Jesus bears more than that just show how much He loves us. Know His love, ask for His cleansing, healing and His grace for it will all be sufficient. God bless!