‘Balikan ang nakaraan sa iyong Kaarawan’

Noong una kitang makita, pagkakaibigan ang hangad.

Ngunit ako’y nahihiya, hindi alam kung paano ilalahad

Nakaisip ng paraan, sa pagbibiro inilantad

Walang pagaalinlangan, ginawa ko talaga agad.

 

Akala ko nung una ikaw ay mataray, dahil sa mga tinginan mo at sa korte ng iyong kilay

Pero nung una kitang nakausap, impresyong kung iyon ay namatay.

Masayahin ka palang tunay, at may kabaitang taglay

Naging magkaibigan nga tayo, at ang hangad ko ay nakamtan

Sobrang ingay, masayahin at bibo mo pala HAHAHA salamat at aking lang nalaman

Nasabi sa isipan ko na hindi sisirain ating pagkakaibigan

Lahat ng mga magiging alaala ko sayo ay magsisilbing kayamanan

 

Pero pasensya na kung lahat ng iyon nagbago,

Hindi ko napigilan, ako sa iyo’y nagkagusto,

Pero kahit nalaman mo iyon ganun parin iyong pakikitungo

Salamat at ang pagkakaibigan natin ay hindi nagulo

 

Naalala ko lahat ng ating nakaraan sa araw ng iyong kaarawan

Ganun pa rin ang hangad ko kaibigan, ang iyong kaligayahan

Madami dami na din tayong pinagsamahan at pinagdaanan

Sana ay hindi ka magbago at isama ang Panginoon sa iyong daan

Exit mobile version