BIGAT

Alam mo ba yung salitang to? Kasi meron ako nyan, kahit nung bago mo pa ko makilala. Dala dala ko hanggang sa pagtanda ko, bitbit ko kahit saan ako magpunta, at isang bagay na kailangan kong itago pag iba na kaharap ko.

Oo nga pala, pasensya na if ginamit ko tong chinat mo sa ken. May kailangan kasi akong ilabas, na panigurado hindi mo kayang buhatin. Mga bagay na naging dahilan ng pagkawala ng tiwala ko sa ibang tao at sa sarili ko. Mga bagay na hindi kakayanin ng mga hindi pa nakakaranas. Marahil meron ka ng ideya kung ano ito, pero hindi ko pa rin sasabihin to kasi hindi mo kakayanin. Lahat naman ng tao may bitbit na ganito, mapabagay, trauma, at iba pa. Pero bandang huli, pinipili pa din na lumaban at ngumiti.

Nakilala mo siguro ako na makulit, masayahin, palabiro, go with the flow, matapang. Pero sandali lang, may kailangan akong iwan at itago para lang magawa lahat ng iyan. Kahit matagal na tayo, panigurado wala pa sa kalahati ang alam mo. May mga panahon na susuntukin ako ng kalungkutan sa di malamang dahilan, biglaang iiyak sa di inaasahang oras, magkukulong sa kwarto sa mga masasayang pangyayari, sisigaw kahit wala namang nakakatakot. Eto na naman yung demonyo sa utak ko, kung anu-anong ipapaalala para mas lalo akong magwala. Hindi to ganung kadaling pigilin, sanay ka man o hindi.

Papatawarin kita araw-araw, kasi ayokong madala mo yung bigat na meron ako. Pagpasensyahan mo sana kung minsan, sumasabog ako ng biglaan. Lalo na’t etong dinadala ko, e gusto lang lumabas.

Oh siya! Wag mong kakalimutang magdasal ah. Isa yan sa nagpapaluwag ng loob ko, mag iingat ka sana!

Exit mobile version