“Biglaang Pagbabago”

Bawat yakap mo ay di madama,
Bawat binibitawang salita ay di na naririnig pa.
Bawat memoryang pinapaalala ay di na maipinta,
Ano bang nangyari, bakit parang ako’y blanko na.

Maraming katanungan ang sa aki’y umaaligid,
Pilit kong inaaalam, sagot sa bawat luhang nangingilid.
Masama na ba akong maituturing,
Kung sarili ko naman ang aking iisipin?

Gusto ko nang lumisan,
Pero paano ko ba ikaw iiwan?
Gusto ko nang kumawala,
Pero hahayaan mo ba kung ako ay lumaya?

….

By Hannah

she’s shy. she’s quiet. she’s simple. she’s broke. she’s reserved. she’s Jesus' follower.

Exit mobile version