Nais kong iparating ito sa taong nagmamay-ari sa puso nya..
Sa loob ng maraming taon..hindi ko alam kung pang ilan kana na nanakit sa kanya.. ang alam ko lang ikaw ang pinakamalala dahil swerte mo sa lahat ng nakarelasyon nya..
ikaw lang ang ginawaran nya ng titulong “soulmate” at “the one”
Swerte mo dahil ikaw ang dahilan ng mga ngiti nya paggising nya pa lang sa umaga at bago sya matulog sa gabi.. ikaw ang hinahanap nya sa araw-araw.. sayo sya may ganang mag kwento ng kung anu ano..
higit sa lahat ikaw ang laman ng mga masasayang kwento nya..dahil mahal na mahal ka nya at ikaw ang mundo nya..
pero bakit ganun? bakit mo sya iniwan ng walang paalam? bakit mo sya pinaiyak?
Dinurog mo ang puso nya..
Dinurog mo yung puso ng taong sampung taon ng nag mamay-ari ng puso ko..
Na yung taong sinaktan at pinaiyak mo lang ay sampung taon ko nang palihim na minamahal.. palihim na iniingatan at inaalagaan..
Na sa tuwing pumapatak ang mga luha nya kahahabol sayo, gustung gusto kong tubuan na lang ng pakpak para mailipad ko sya palayo sayo..
Gusto ko syang yakapin nang mahigpit at kantahan habang malungkot siyang nakatitig sa kawalan.. habang naglalakbay ang diwa nya sa kung saan..
Sa kung saan andun ka pa..
Gustung gusto kong nakawin yang posisyon mo sa buhay nya.. gusto kong tumira sa espasyong inilaan nya para sayo..
Pero hindi pwede..
Gusto pero laging hindi pwede..
Dahil hindi yun pwedeng gawin ng taong gimawaran nya lang ng titulong “matalik na kaibigan” lang..
Pero ikaw.. napakaswerte mo dahil mahal na mahal ka nya..
Ako? ang malas ko..
Dahil binabasura lang ng iba ang siyang pinapangarap ko..