Binuo at Sinira

Sobrang sakit ng maiwan at masaktan
Sobrang sakit ng talikuran at maiwan
Sobrang sakit na lang ang aking nararamdaman
Pero dumating ka para tulungan akong bumangon at lumaban

Hindi ko inakala na tayong dalawa ay magkakasundo
Sa mga bagay bagay na aking hilig at sa aking mga gusto
Sinamahan mo ako sa mga lakad at mga gala ko
Andito ka sa tabi ko lalong lalo na sa tuwing kailangan ko

Pero bakit bigla ka na lang umalis ng walang pasabi at biglang iniwan ako
Ikaw yung inaasahan ko na maging sandalan ko kapag may problema ako
Ikaw yung inaasahan ko na magpunas ng luha ko kapag nasaaaktan ako
Ikaw yung tumayong poste na handa akong iangat kapag nadadapa ako

Nasanay ako ng ikaw ay nasa tabi at laging kasama
Ngayon hind ko alam kung paano na ako at paano ulit magsisimula
Hindi alam kung sino ang sasandalan, tatakbuhan at aasahan kasi wala ka na
Pero salamat sa lahat ng tinuro mo sa akin, salamat sa lahat ng alaala natin kasi kahit binuo mo ako, sinira mo din ako dahil ako’y hanggang kaibigan lang pala

Published
Categorized as Poetry
Exit mobile version