Para saan pa ang ala-ala kung kayo’y tapos na?
Para saan pa ang larawan kung wala nang babalikan?
Para saan pa ang pagsasamahan kung wala nang patutunguhan?
Para saan pa ang ‘ikaw’ kung nagawa na niyang bumitaw?
Para saan pa ang mga luha kung di na makukuha?
Para saan pa ang aasa kung wala na talagang pag-asa?
Hanggang kailan mo papakawalan ang kahapong nagdaan?
Hanggang kailan mo babalikan ang ala-alang unti unting nawawalan na ng kabuluhan?
Hanggang kailan mo maiintidihan na may mga bagay na ipinaglalaban at may mga bagay ring kailangang bitawan?
Bitaw na. Tama na. Pagod ka na.
Matutong tanggapin na ang minsan na pinaniniwalaang mong iyo ay di mananatiling iyo.
Matutong pakawalan ang isang taong panandalian lang.
Matutong lumimot upang puso’y maipagamot.
Matutong maghintay sa tamang pagkakataon na ang Panginoon ang nagbigay.
Maghintay ka hanggang maging handa para sa tamang tao
Maghintay ka hanggang maging buo para sa tamang tao
Maghintay ka hanggang maging tama ang pagkakataon
Sapagkat ang tunay na pag-ibig ay sa tamang tao at sa tamang panahon.
Photo Source: pixabay.com