Biyahe

WALANG KASIGURADUHAN sa mundo.
Kahit ang buhay mo hindi ka sigurado, hindi ka sigurado kung hanggang saan lang ang byahe mo, kung anong panahon ka hihinto. May mga pagkakataon na sa huli natin nakikita ang kahalagahan ng isang bagay. Darating tayo sa pagsising sana “Binigay ko na ang best ko!”. Mga alaalang sa mapaglarong isipan ay gusto mong balikan para gawin yung kung ano ang sa tingin mo ay tama. Isa lang yan sa mga halimbawa, syempre kanya-kanya tayo ng laban sa buhay. Iba-iba ang kwento, pero iisa ang wakas. -PAGLISAN.

Kaya habang patuloy na nasisilayan ang ganda ng mundo. Pansinin mo ang magagandang bagay, nasa paligid mo lang sila naghihintay na bigyan mo ng atensyon. Maliit man sila o malaki, kabilang sila sa mga blessings mo. Gawin mong makabuluhan ang pananatili sa byahe ng buhay, live your life to the fullest! Cause you only leave once. Hindi man lahat e masasayang bagay ang meron sa buhay? Pero magsilbi kang kasiyahan sa gitna ng paghihirap at mga sakripisyo.

Exit mobile version