Blanko

Hindi ko namalayan ang pag-ikot ng mga sandali. Parang isang tigang na naghihintay sa butil na patak ng tatlong segundo.

Hihinga ng malalim at aakalaing maramdaman pa. Prisensya mo’y hinahanap-hanap sa pagyakap ng kalungkutang pinahabilin mo.

Sanay na ako… nasasanay na ako….

Unti unting lumalayo sakin ang pangarap na sumibol noong hawak ko ang kamay mo. Hinahanap ang pangakong binitawan mo. Nangangapa sa kamay ng orasang nilunod mo sa hindi pagbigay pansin. Nagsisilbing araw natin nalimutan ko na.

Unti-unting naglalaho na. Taimtim na nilulubayan, tama na. Sapat na ang pinakitang pawala na. Naghihikahos na siphayo’y haharapin na. Huwag ka mag-alala sapagkat ako’y lalaban na.

Natatanaw ko na kasi parang wala na. Salamat na lang sa pagpadarama sakin. Ipipikit ko na lang aking mata at imumulat na lang kapag lahat ay nalinawan na.

Sawa na ako maghintay sa blankong orasan.

Exit mobile version