Nandiyan sya, nandito ako. Hindi sya kumikibo, ganun din ako. Gusto ko sya kausapin pero inuunahan ako ng kaba. Eto kami ngayon matapos ng ipatalo ko ang laban sa “kaaway” na walang ginawa kundi ipaalala ang lahat ng kasawian ko sa pag-ibig.
Nagpasya akong bumitaw muna sa taong pinakamamahal ko ngayon dahil sa sakit na nadulot sa aming dalawa ng pagkatalo ko sa “kaaway”. I have God in life pero bakit ako natalo? Maraming nagtanong kung ano ba nangyari. Mahirap ipaliwanag kapag usaping “spiritual battles”, sobrang hirap na tipong kailangan mong alalahanin lahat ng sakit, kabiguan, frustrations at lahat lahat. Nakakaiyak, nakakapagod alalahanin. Mahirap magpaliwanag, dahil di lahat maiintindihan ang pinagdadaanan.
Mahigit nang sampung taon na akong single, basted, at neglected. I was on a relationship before – pero rebound lang. Narinig ko ng lahat ng posibleng statement na gagamitin to reject a person – madalas straight to the point, mas madalas sugar coated para daw di masyadong masakit. Sumatutal, isa lang naman ibig nun sabihin, ayaw nila. Lahat ng sakit ng rejections, naranasan ko na, kaya madali sa “kaaway” na sirain ang diskarte ko, will, at even ung faith ko na makikita nya din ako. Ngayong muli akong umiibig – nangako at nakipag-deal kay God na last na sya, natakot ako ng sobra – baka mareject ulet ako. Natakot ako ng sobra na nung narealize ko na umiibig na ako ng buo sa kanya, sinubukan kong umiwas. Sinubukan kong lumayo, sa takot na mareject. Hindi ko inalam ang katayuan ko sa kanya, kahit bilang kaibigan. Dumating sa puntong nagkalayo na kami ng tuluyan, hindi nagpapansinan at hindi nagkikibuan. Lahat ng napundar sa pagkakaibigan ay nawala. Nawala na ng tuluyan hanggang kahit ung dahilan ko na maging masaya muli ay kasabay na naglaho. Tuluyan na kaming hindi nag-usap. Isa lang ang pumasok sa isip ko, nagmahal ako ng anak ni God, pero ipinatalo ko ang laban sa “kaaway” ng hindi ko man lang nasabi sa kanya ang buo kong nararamdaman. Nawala ang faith ko sa simula pa lang ng laban. Nalimutan ko na may God na nandiyan lang sa tabi ko, na nagpapaalala na hindi ako rejected, patapon – na mahal ako ni God. Ngayon, nagpasya akong bumitaw muna sa kanya, sa pag-ibig, sa nararamdaman ko; na umaasang muli kong kakapitan balang araw, sa ngalan ni Jesus.
Bumitaw ako sa kanya dahil akala ko ito ang makakabuti, bumitaw ako ng hindi ko alam kung ano ako sa kanya. Bumitaw ako ng hindi alam kung ano ba dapat kong gawin.
Hinaharap ko ang kapalit nitong pagbitaw ko. Sinusubukan kong muling buoin ang sarili kong winasak ng “kaaway”. Muli kong binabalik lahat ng bahagi ng puso kong nawasak, hindi dahil sa pagmamahal ko sa kanya, kundi dahil ipinatalo ko sya sa “kaaway”. Hindi ko magagawa eto ng wala si God sa buhay ko, hindi ko eto kakayanin ng ako lang. Pinipilit kong tumayo sa pagkalugmok ko at patuloy pa ring umaasa na kahit paano, muling magsimula ang pagkakaibigang nabahiran ng sakit.
Bumitaw ako, ngunit ako ay magpapatuloy na mahalin sya. Bumitaw ako, ngunit patuloy na umaasang muli akong kakapit. Bumitaw ako para mag-ipon ng lakas galing kay God para sa muli kong pagbabalik sa kanya. Kakapit lang ako hanggang dumating ang pagkakataon na yun. Sa ngayon, dito na muna ako.
– The Basted Bachelor