Langga, Sariwa pa ba sa iyong gunita ang una nating pagkikita?
Animoy buwan o taon nang nagkasama diba?
Naalala ko pa nga yung unang pagkakataon tinawag mo akong langga.
Langga na ang kahulugan pala’y iniingatan iniirog o sinisinta
Sa paglipas ng araw at mga buwan,
Pusoy unti unting natutong magmahal,oo ikay minahal
Ikaw ba nman kasi itong sobrang nagpapakadangal at
Ako ba nman kasi itong parang tangang ikay laging hinahangaan
Pero mahal hindi nagtagal akoy kinabahan,
Ang dating lagi akoy kausap, biglang dumalang
Ang dating tamis ng pag ibig, biglang tumabang
Ang dating ikaw at ako na binuo bigla nalang naglalaho
Sariliy tinatanong, ako bay sumobra o kumulang?
Pero sa tingin koy, akoy sapat lang .
Ngunit Bakit akoy patuloy na pinagtaksilan
At Bakit akoy biglang tinalikuran
Pilit kong isinasalba relasyon nating dalwa,
Na lingid sa aking kaalaman pilit pala sa umpisa
Pinangakuan mo ng pagmamahal pero hindi nman pinanindigan
At ako nman tong si hangal naniwala umasa at nagbulagbulagan.
Pinangako mong pagbabago’y napako
Na siyang naging dahilan kung bat ako nabago
Kaya Langga tataposin ko na ang inumpisahan mong nakakagago,
kaya kung pdi lang wag ka na tlagang magbalik pa tang ina mo..