Sabi ni Sarah G. sa “Maybe This Time” nyang movie
“Sometimes not having a closure is already a closure”
At that moment sabi ko, “Yeah she’s right”
Kasi bakit pa ba kailangan mag-usap kung wala ng dapat pag-usapan pa?
Kung ramdam mo na din namang wala na talaga, diba?
Aasa ka pa ba? Kung lahat naman sinabing “He’s doing fine.. without you”
Yet, at the end of the story, they still had a closure.
Ganon pala nuh? Minsan akala mo hindi mo na kailangan
Akala mo totally get over ka na
Akala mo naka move on ka na
Pero darating yung araw bigla ka nalang gigisingin ng diwa mo
Ipapamuka sayo ng mundo that
You have a long way ahead of you before you totally move on
“I’ve had enough”
Those were my last words before I decided to just go on with my life without you
Napagod ako sa mga away na paulit-ulit lang ang dahilan
Nagsawa ako sa mga pangako mong hindi natutupad
Sumuko ako ng hindi naisip ang mga pinagsamahan
Wala eh, sobrang sakit na
Sa sobrang sakit, hindi ko na nakita yung mga mata mong lumuluha
Nagmamakawang muling pagbigyan
Mga kamay mong pinipilit abutin kahit daliri ko man lang
Sa bawat hakbang mo papalapit, sya ring hakbang ko papalayo
Pagluhod mo’y di ko man lang binigyan pansin
Tuloy tuloy naglakad palayo sayo, palayo sa “tayo”
Ni hindi ka man lang nilingon
Ni hindi man lang nakita kung tumayo ka ba’t naglakad din palayo
o nanatiling nakaluhod
Sabi ko “Tama lang ginawa ko”
Tama lang na hindi na ako lumingon pa
Gustuhin ko man, isip ay sinasabing “Tama na”
Kahit puso’y nais tumakbo pabalik.
Hindi, kailangan ko tong panindigan
Ito yung nakakabuti para sa atin
Bulong ko sa sarili ko.
Pero alam ko, alam na alam ko
Kung tumayo ka’t hinabol pa rin ako
Alam ko sa puso ko na bibigay ako
At magiging tanga nanaman ako
Salamat kasi hindi mo ginawa
Sa paglipas ng taon,
bakit tila puso’y lubos na nagsisisi?
Tama nga ba?
Tama nga bang tumalikod at nagpatuloy sa buhay ng wala ka na sa piling ko?
Sabi ng mga kaibigan mo,
Tama lang yun, kasi hindi na healthy yung relasyon natin
Kasi lagi tayong hindi nagkakasundo
Sabi ng mga kaibigan ko,
Kung yan ang sa tingin mo ay tama
Edi go! Kasi kung pagod kana, pagod kana but…
“You have to learn from your own mistakes”
Ako naman yung nang iwan diba?
Ako yung sumuko sa “Tayo”
Ako yung naglakad papalayo
Pero bakit ganon?
Bakit pa ako huminto?
I’m one step closer to moving on
Pero bakit ako tumigil?
Bakit kung kailan akala ko okay na ako
Saka ako sasampalin ng katotohanan
Na kahit anong gawin ko, kahit sino pang dumating sa buhay ko
Kahit ibigay sakin ng tadhana ang tipo ng lalaking hinahanap ko..
Ikaw pa rin ang mamahalin ko
Mali, alam kong mali
Pero bakit hindi ko magawang kalimutan ka?
Akala ko sa movies lang nangyayari yung ang daming tanong sa isip nila
Yung naghahanap sila ng sagot
Pero bakit ko yun nararamdaman ngayon?
Bakit ko hinahanap yung mga sagot sa katanungan ko?
Bakit ang dami kong What IFs?
What if nakinig nalang ako sayo?
What if binuksan ko yung mga mata ko?
What if kumapit pa ako kahit sa huling pagkakataon?
What if hindi ko piniling lumayo?
What if kasama pa kita ngayon?
Mas masaya kaya tayo?
What if hindi ako sumuko
Magkasama kaya ulit nating sasalubungin ang Pasko at magkasamang haharapin ang bagong taon?
What if hinayaan kitang hawakan pa yung kamay ko?
Kasing higpit na kaya ng hawak ko noon sayo ang hawak mo sakin?
What if..
Ang dami..
Sobrang dami..
Kahit anong convince ko sa sarili kong wala lang to, natural lang to
Bakit iba yung sinasabi ng puso ko?
Bakit ang bawat luhang pumapatak ay alay pa rin sayo?
Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili kong
“Hindi na kita mahal”
Pero yung puso ko tila nakikipaglaban at sinasabing
“Gaga, bumalik ka, mahal mo yun”
Pero alam kong hindi na pwede
Hindi na sa pagkakataong ito,
Kahit mundo’y gumagawa ng paraan para ipaglayo tayo
Parang may isang napakalaking wall sa gitna natin
At kahit anong pilit natin, “Hindi na pwede”
Akala ko noon, relasyon lang natin yung kumplikado
Pero mali,
Mas kumplikado pala noong nawala ang “tayo”
Ang daming nagbago
Kasabay nito ang mas lalong pagdami ng hindrances
Pinilit kong magmahal ng iba
Minsan ng muntik magkabalikan,
Ngunit hindi umayon ang pagkakataon
Pinaglayo ng mga tao sa paligid natin
Tila ngayon ang agwat nati’y kay layo
Mas mahirap palang lumaban
Dahil may mga tao nang masasagasaan
Bakit ngayon ka pa hinanap?
Bakit ngayon lang nangulila?
Bakit kung kailan hindi na pwde ang pwede
Saka ka pa ninais mayakap muli?
Gulong-gulo na ang isipan ko,
Hindi ko na alam ang gagawin ko
Mahal, pakiusap umalis kana sa isipan ko.
At sa muling pagkakataon,
Ika’y aking nasilayan,
Mga paa’y hindi napigilan sa pagtakbo palapit sayo
Sa muli, nakita ko ang mga mapupunggay mong mata
Mga matang noo’y sinasabing “Mahal kita”
“Oh, ikaw pala. Bakit?”
Unang tanong na binitawan mo
Hindi makasagot, gusto kong magsalita
Gusto kitang yakapin
Gusto kong sabihing “Mahal pa rin kita”
Pero hindi ko magawa, dahil alam kong hindi na pwede
“Kamusta ka”
Tanging salitang nabigkas
“Eto okay lang, ikaw?”
Nakakamiss ang mga tinig mo..
“Masaya na rin naman ako, kaya ko na nga matulog ng hindi ka naiisip. Kaya ko ng tignan mga pictures mo na hindi nasasaktan, siguro hindi lang talaga tama yung timing natin. Siguro ito nga yung mas nakakabuti”.
“Good for you”
Tanging naisagot ko
“Tuluyan na nating palayain ang isa’t-isa.. Makakalimutan ko ring mahal kita. Siguro nga hangang dito na lang tayo. Goodbye noy”
Sabay ngiti ko ng pilit
Masakit pala talaga magpaalam sa taong alam mong mahal na mahal mo
Masakit magpaalam sa taong gusto mong makasama
Masakit magpaalam sa taong ayaw mong pakawalan
Pero kailangan..
Sa huling pagkakataon, niyakap mo ako
Damang dama ko ang higpit ng yakap mo
Mga yakap mong kaytagal hinanap-hanap
Sabay halik sa aking noo
“Sige na, tulog kana. Pahinga kana. Good night”
“Uwi ka na din sabay na tayo maglakad”
“Titignan kita hangang makapasok ka ng bahay nyo. Sige na”
Isa
Dalawa
Tatlo
Tumalikod na ako’t naglakad
Sa muli, ako nanaman yung naglakad palayo sayo
Ngunit, dibdib ay mas maluwag na kesa noon
Tila nabunutan ng tinik sa lalamunan
Napangiti nalang at nasabi sa sarili..
“Sometimes, all we need is a final good bye”
Simula ngayon, araw-araw ko ng iisiping hindi ka para sa akin
Hanggang sa makalimutan ko ng mahal kita
Kakayanin ko, hanggang sa matanggap ko na ng buong-buo
Dahil alam nating…
“Hanggang dito na lang tayo”