Crazy Planet

The best way to get over someone is to turn her into a literature.

After a month, walang nagbago. Siguro meron pero di sya noticeable. Gumagaan pakiramdam ko pero di to the point na handa na kong mamuhay ng normal. Pakiramdam ko umaasa pa talaga ako eh pero di na kagaya dati. Gusto ko lang talagang isipin na nakakahiya sa mga taong sumuporta sakin. Sa mga taong naniniwalang kaya ko pa.

 

Isang buwan simula nung painful day na yun. Anlaki ng binawas ng timbang ko. Wala pa rin akong ganang kumain at lalong wala pa rin yung interest ko to live a normal life. Ang hirap pa rin ng araw araw kahit sabihin mong gumaan na nga talaga. Niloloko ko lang yung sarili ko.

 

Ansakit ng araw araw. Gumigising lang ako para matulog ulit. Pag sumagi sa isip ko, automatic iiyak na ko. Kung hindi man umiyak, asahan mong wala kang mapapalang matino sakin..

 

Ngayon nga naiiyak na ko eh..

 

Di ko alam kung may katapusan ba tong ganito. Oo araw araw nga sya na gumagaan pero parang ayoko gumaan. Gusto ko pagdaanan lahat lahat. Gusto ko. Kasi at least kahit dito, di ka nawawala sa isip ko. Gusto ko pa rin yun. Kahit na masakit sa damdamin. Kahit mabigat. Kahit mahapdi. Kahit sugatan.

 

Nakakalimutan ko na kung pano ka tumawa

Nakakalimutan ko na yung tono ng boses mo

Nakakalimutan ko na kung pano ka umirap

Nakakalimutan ko na kung pano ka ngumiti

Nakakalimutan ko na kung gano ka kaganda

Nakakalimutan ko na ang pakiramdam na kasama ka

Nakakalimutan ko na kung gano ko kasaya sayo

Nakakalimutan ko na kung pano ka mahalin.

 

 

Siguro nga nakakalimutan na kita.. pero kahit kelan di na mawawala sakin yung sakit na naidulot neto.

 

Mahal kita. Pero ayoko nang mahalin ka.

 

Thank you.. Sa Lamat.

Exit mobile version