I haven’t arrived at my chosen destination yet, so why would I stop.
I am in the pursuit of my betterment, kaya ive started listening to podcasts again. Recently, ang pinakapinapakinggan ko ay BW PH at walwal sesh the podcast. May isang tumaktak sa isipan ko eh sa pakikinig ng Walwal Sesh the podcast, at yun ay “the only time na you should give up is, (not when your expectations aren’t met..but) if youve already done your very best (and you’re still where you started)”.
Ever since, yun na yung naging mantra ko sa pagpursue ng isang babae na itatago ko sa pangalang Eri.
Eri was a good friend of mine, a former student yes, nung nagsisimula palang ako magturo..4th year college sya noon, first sight with her and I was like, “hm sino yun. Ganda ah”. It was only last March 2020 when I decided to just pursue one girl, and it’s her. So I confessed how I felt for her..umamin ako, at eto..friendzone.
Little back story, I had a paradigm shift ng 2018..daming nangyare nun, basically it was the worst period of my life..nakakatawa kasi it was right after greatest moment of my life (grumaduate ako ng masters, napromote sa work etc)..during the course ng 2018, i was somebody na i never knew..wala akong focus sa work, failure after failure, nothing was going right..I felt really different towards everyone and everything..even towards myself..isa pa sa mga bagay na talagang di ako makapaniwalang naranasan ko was I had this constant desire to pursue different women. Aminado naman akong di ako nabiyayaan ng looks..pero ewan ko ba bat ako ganun noon, there was just this constant desire to pursue them..dahil nga it felt different towards people, I broke up with my 7 year gf (exhibit a), mga June ito ng 2018. (i’ll highlight them na parang exhibit sa kaso)
Gusto ko na si Eri noon..at gusto ko na umamin..niyaya ko sya, at kasama namin yung isang close friend namin si Gochu..nung kasama ko na sila, wala..natakot ako sa rejection kaya ang nangyare, sinabi ko na ang gusto ko si Gochu..isa sa pinakamalaking katangahan na nagawa ko yun..anyway dahil di totoong gusto ko si Gochu, napabalik ako sa desire ko to pursue other women kaya eto na yung mga nangyare: I dated a college crush(b)..it ended, i dated an old friend(c)..it ended..nagsabi ako sa iba pang mga girls na gusto ko sila pero di nagprogress into dating..then I dated a co-academician(d). Lahat ng yan, all while being a kabit to my ex-gf (kay ‘a’..si 7 years..mga october na to 2018). When I decided na ayoko na maging kabit, ginawa ko ng formal yung sa amin ni (d)..and we started to date exclusively. Kala ko ok na lahat..pagdating ng January – Feb, andun padin yung desire ko to look for something or someone..at yun na yung unang pagkakataon na nakapag two-time ako – something na I am very sorry for ever since.
Ganun na, nagpatuloy yun hanggang 2019..pagdating ng december, dun naalog yung buong pagkatao ko after realizing and accepting na something is wrong with me kaya pagkapasok ng new year at ng birthmonth ko..nagstart nako magpa psychological therapy/counseling. Around Feb, somehow andun padin yung desire ko to pursue girls na I like..pero this time dalawa nalang..si Eri, at si Mamshie Al..From January to Feb wala akong ibang ginawa kundi magpa therapy at magisip pano ko maibabalik yung kilala kong version ko.
Pagdating ng March, this is when Ive decided na since gusto ko bumalik yung totoong ako, at alam ko na I am really the long-term monogamous type kaya Ive decided to pursue one girl..kaya umamin ako kay Eri..syempre kelangan ko muna humingi ng tawad sa nagawa ko sa kaibigan naming si Gochu..at kay Eri nadin..nawindang sya..pero nagrespond naman sya sa pagamin ko kaya ayun, nafriendzone ako..
Dahil nafriendzone ako, kelangan ko pagisipan kung ano na gagawin ko..and after a few weeks of thinking..dito nako dinala ng iniisip ko sa kinalalagyan ko ngayon.
So bakit crossroads? Kasi kahit na nafriendzone ako, gusto ko talaga panindigan yung nararamdaman ko kay Eri..gusto ko sya at sya lang..and right now I see her as an inspiration..at masaya akong may nagagawa na mga bagay bagay para sa kanya..kaya I started to reach out to her..pinupuntahan ko sa office nya, binibigyan ng mga pagkaing gawa ko..at gusto ko talaga iparamdam na andito ako para sa kanya..
Kaya crossroad kasi gusto ko lang naman sya kilalanin ng mas malalim..pero di ko alam kung pano gagawin yun since frienend zone ako..iniisip ko magtanong/magpaalam na ligawan sya kahit never pako nanligaw (im the dating type..i date girls para magpakilala hanggang sa maglevel up yung dating). Pero diko alam kung pano.
Masaya naman ako sa lagay namin ngayon, masaya nakong makita sya, masaya nakong bigyan sya ng mga luto ko..pero gusto ko din kasi talagang makilala pa sya..kasi sa ganung paraan maaaring makakaisip ako ng mga pedeng gawin para ipahayag pa sa kanya how I like her, how I care for her, how she means to me..at magagawa ko yung best ko..at pag nagawa ko na yung best ko and she still think na we are better of as friends, edi dun lang yung time na susukuan ko sya. Kaya, hanggat hindi ko nagagawa yung best ko sa pagpaparamdam kung gano sya kahalaga sakin..hinding hindi ako susuko at titigil dahil mabuti ng natalo ng lumalaban, kesa naman wala pang nagagawa eh sumusuko na.