Dalawang Ala-ala Para Sa Ating Kinahinatnan

Naaalala mo pa ba,

Lahat ng mga matatamis

Na bagay na ‘yong sinaksak

Sa isipan kong uhaw na uhaw

Sa mga bagay na kaniyang

‘Di pa natitikman?

Naaalala mo pa ba

Nang ang puso kong

Punumpuno ng gulo

Sa mundong ito,

At ikaw ay aking tinanong,

“Paano makalimot?”

Iyong sagot,

“Move on.”

Dalawang salita

At tumagos na

Ang kahihinatnan

Ng kahungkagang ito.

Exit mobile version