“Damo at Bato”

 

tambay na pasaway
haba ng sungay
sa utos ni Inay
Ika’y sumusuway

‘Di ko maintindihan?
ano ba Kasi iyan?
Ininom mo kagabe?
Sobra ‘atang dosage pre?

Tama mo malakas
dila mo naninigas
Mata mo naluluwa
Sobra na namumula

Minap mo kusina
Nilinis mo kubeta
Nagdilig ng halaman
Sa bakuran ng iba

‘no bang dialekto gamit mo?
‘di ko makuha, ‘di mapagtanto
‘nong kalawakang sinasabe mo?
‘ala ka sa tino, sobrang kay gulo

Hinithit mong bato?
Malaginto ba ito?
Hinithit mong damo?
Pagkain pang kabayo?

Nawala sa landas
Sa tukso’y nadulas
Di ka manlang umatras
Ngayon ika’y himas rehas

#mykindofpoetry
#❤❤❤
#ctto of the photo

Leave a comment

Exit mobile version