Di na bago

Di na bago sa mata ng tao na mayroon akong kasama sa isang litrato.

Di na bago na ang ngiti ko’ y nag papakita ng kasalukuyang estado ng puso ko.

Di na bago na may ipinakilalang pinapangarap kong maging parte ng habang buhay ko.

Ngunit sa panahong ito, ano nga ba ang bago?

Di naman palaging masalimuot ang lagay ng puso ko.

Bago pa man masaktan, naranasan ko din naman ang “mahalin” at “mag mahal”

Iyon nga lang, habang tumatagal, ang salitang pagmamahal ay nauuwi na lamang sa sakitan

Naisip kong huminto at bigyang prayoridad

ang sarili ko.

Paano nga ba naman ako makakatagpo ng

tamang tao kung di ko maayos ang sarili ko?

Paano akong mabibigyan ng tapat na

pagmamahal kung di sarili ko’y di ko kayang

pagbigyan?

At nang sa wakas ay nahanap ko na aking halaga, dumating ang taong mag dadagdag sa aking saya.

Mag dadagdag ng saya?

Oo. Karagdagan sya. Dahil alam ko na na kaya kong maging masaya nang meron o walang s’ya.

Dahil alam kong buo ako bago ko pa man mahalin ang isang tulad n’ya.

At ngayong nandyan na s’ya, tanging saya ang nadarama.

Di na bago na ako’y sumugal. Ngunit ngayo’y walang pangambang mag mahal.

Di na bago na ibigay ko ang todo. Ngunit ngayo’ y nakakatanggap pa ng higit pa sa nais ko.

Wala na akong mahihiling pa. Basta, mahal kita.

Exit mobile version