Ang sayang nadarama noon
Ay napalitan ng gabi gabing pagluha ngayon
Di natin ginusto na tayo’y mawala sa buhay ng isa’t isa
Ngunit sabi ni Lord “tama na”
Alam nating mali
Ngunit bakit pinagpatuloy parin natin?
Bakit pinagpatuloy kahit alam na sa dulo’y masasaktan
At ang pinangakong “tayo lang, hanggang sa dulo ng walang hanggan”
Lahat ng ito’y biglang naglaho at lumisan.