Staring at the blank page, I don’t know how and where to start. I don’t know what thought can I express first. Billions of things are constantly running in my mind. The battle of my mind and my heart are really hard and painful.I don’t want to entertain it .But it keeps bagging in my head. Same mistake happened in my life again. Mistake that I need, for me to learn. Pain that I need, for me to grow.
Ang dami ko kasing “akala”, “paano kung totoo?” “paano kung sya na nga?” ang tigas din kasi ng ulo ko. Hirap sumunod sa mga payo ng iba, eh pano kinilig eh, pero hindi naman pala iibigin. Ang saya kaya sa pakiramdam ng ganun, yung kinikilig ka, di’ba? Pero may expiration pala ang lahat, lalamig din pala yung kapeng matagal ng naghihintay. Para sa lahat ng umaasa, kapag hindi clear ang intension nya sayo be brave to ask him, wag mo na patagalin pa kasi mas lalo ka lang rurupok. ‘Wag ka matakot na baka magiba yung pakikitungo nya sayo,mas matakot ka na baka lalo kang malunod sa sarili mong imahinasyon. Sa imahinasyon na wala naman palang patutunguhan na iba. Ang importante marunong kang tumayo ulit mula sa iyong pagkakadapa. Oo, mahirap sa una. Wala naman madali eh. Ganun talaga, lalo na’t kung matagal kang umasa na balang araw magkakaron din ng label ang lahat. Mahirap din mag-umpisa kung nag-invest ka talaga ng oras, efforts, panahon, nag-sacrifice ka pa ng ibang bagay na mas dapat mong inuna kesa sa kanya. Alam ko lahat ng yon, pinagsisisihan mo na. Sinisisi mo ang sarili mo, paulit-ulit mong sinasabi sa sarili mo “nagkamali ka na naman”. Teka, sayo lang ba ang may mali? The truth will set you free sabi nga nila, minsan kasi nakikita mo na kung ano yung totoo pero iniignore mo lang kasi nageenjoy ka pa sa atensyon nya, kahit alam mong balang araw pwedeng mawala yun, dahil nga walang kasigaraduhan ang lahat. At ngayong wala na ang lahat, kailangan mo pa ring maging masaya. Unti-untiin mong itago ang sakit, palitan mo ng mga ngiti sa iyong labi. Hindi mo namamalayan, nasasanay ka na palang ngumiti sa kabila ng nangyari. Aaray tayo, pero kailanman hindi tayo bibigay. Parte lang ‘to ng buhay. Lilipas din ang panahon, at panibagong panimula na naman ng buhay mo ang dapat mong paghandaan. Hindi ka naman nag-iisa. Maraming tao ang nagmamahal sa’yo. ‘Wag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan. Patuloy kang bumangon, sa bawat umaga na hindi na pala sya parte ng iyong buhay.