Eh Mahal Mo Eh!

“Sige lang kahit masakit, mahal ko eh. Kakayanin kahit paulit ulit na akong nasasaktan, mahal ko eh”.

Too many reasons ang paulit ulit mong sinasabi sa sarili mo, just to justify what he is doing to you. Yung harap-harapan ka nang ginagago, pero hindi mo maiwan kasi nga mahal mo. Pero hanggang kelan?

Hihintayin mo p ba girl na pati sarili mo, hindi mo n kayang mahalin? Hihintayin mo pa ba na dumating ang panahon na hindi mo na din alam ang tunay na meaning ng love? Hanggang kelan ka magpapakatanga sa taong hindi mo pag-aari?

Sabi nga sa akin ng isang kaibigan, kung patuloy kang magpapatali sa taong di mo pag-aari, baka isang araw, hindi mo mamalayan, nalagpasan mo na ang taong nararapat para sa’yo.

Eh ano nga ba ang magagawa mo, mahal mo eh!

 

Exit mobile version