Nakatitig ako sa kisame,
Tulala,
Pinapakinggan ko ang mga kantang inalay mo minsan sa akin,
Sobrang dami na ang tumatakbo sa isipan ko,
Yung mga bakit,
Yung mga katanungan na hindi masagot-sagot,
Ayokong pumikit,
Ayoko,
Nararamdaman ko na,
Yung mga namumuong tubig sa mga mata ko,
Malapit ng bumagsak,
Malapit ng tumulo,
Huwag,
Ayoko,
Ayokong pumikit,
Ayokong makita yung mga maaamo mong mata sa pagpikit ko,
Ayoko,
Ayokong maging mahina,
Ayokong magpatangay sa alon ng pagmamahal ko sayo,
Pakiusap ko mahal,
Huwag mo kong tignan ng ganyan,
Huwag,
Huwag kang ngumiti,
Huwag,
Huwag mong sambitin ang dalawang salita na siyang kahinaan ko,
Huwag mahal ko,
Nakikiusap ako,
Ayokong makita mo ko,
Ayoko,
Ayoko,
Ayoko,
Ayokong makita mo yung pagtulo ng mga luha ko kasabay ng pagbanggit ko sa mga dalawang salitang hindi mo mabigkas bigkas,
Ako na,
Ako na lang,
Kasi mahal,
“Mahal kita.”