Kumusta ka na? Hindi madaling mag move-on. Ang hirap pigilan ng sarili. Kahit naka block ka na sa lahat ng pwede mo kong mai-contact, chat, text, tawag. Lahat lahat na. Pero minsan nahuhuli ko yung sarili kong umaasang baka ikaw na yung nag-contact. Kahit imposible. Na baka gumawa ka ng paraan para ma i-contact ako. Niloloko ko lang yung sarili ko. Pinapahirapan at pinapaasa. Di ko nga alam pano ko bumabangon tuwing umaaga. Higit isang buwan na mula nung nakipaghiwalay ka. Ang sakit pa rin. Umiiyak ulit ako ngayon. Isang linggo na rin mula nung huling iyak ko. Hindi ko alam bakit ngayon umaatake nanaman yung kalungkutan. Ilang araw na lang, 1 year na sana tayo. Minsan naiisip ko, naalala mo kaya ko? Baka hindi. Ako araw araw kitang naaalala. Sa umaga paggising. Sa gabi pagtulog. Ayoko na sana ng ganitong pakiramdam pero feeling ko di na ko gagaling. Napatawad na kita. Pero kinakain ako ng kalungkutan. Kinakain ako ng sakit. Alam kong ayaw mo na at di ko na dapat sinasabi pa yung mga bagay na to. Ang lungkot lungkot lang ngayon. Ang sakit sakit lang. Dumaan na lahat ng eroplano. Iniisip ko, isa sa mga yon sakay ka. Mag iingat ka pauwi.