Ako si marupok.
Isang chat, reply.
Isang hi, hello.
Isang call, sagot.
Isang tanong, honesto to.
Ayaw papatalo.
Ako dapat mas lamang.
Isang kumain ka na? kumakain ka na rin.
Isang game lang ako ha? take your time, hihintayin kita.
Isang “I miss you”, ako may “I miss you more”.
Isang “I love you”, ako “I will always love you” pa.
May nagawang kasalanan, isang sorry, “okay lang naiintindihan ko naman”
Nakipagbreak, isang dalaw at sorry ulit, bigay ng isang chance.
One more chance, na naging second chance, na hindi ko na mabiling kung nakailang chance na.
Wala eh marupok.
Nagdadahilan pa sa mga kaibigan na…
“may dahilan naman kasi”,
“hindi, busy lang kasi sya nun”,
“mabait yun, kilala ko yun”,
“nagsorry naman sya ulit eh”,
“bes hindi na nga daw kasi nya uulitin ulit”,
pinaglaban sya ng pinaglaban…
pero sya na pala ang talo…
napagod muling lumaban.
At eto, eto na naman,
paikot-ikot…
paikot-ikot na bolahan,
paulit-ulit na sorry,
paulit-ulit na chance,
paulit-ulit na “promise magbabago na ko”
nakakarindi, nakakapagod, nakakasawa na…
lalo na’t malaman mo pang marami kayong pinaiikot-ikot sa palad nya…
Hindi ko na alam ang gagawin,
ang sakit,
pero wait,
may dalangin nga pala nuon pa si marupok;
“Lord gusto ko po yung man of God, mas mahal ka N’ya kaysa sa akin, at ako lang, hindi ako mangangamba at matatakot dahil alam kong ako lang ang mamahalin nya”,
Hindi ko ‘to deserve,
all this time I strive for the best,
best para sa family,
best para sa Lord,
why not “best” for myself?
Pero sa love nga pala hindi dapat ako magpakahirap,
hindi ko yun dapat pinagpapaguran,
hindi ko yun dapat pinapipilitan,
kasi God’s best will be mine effortlessly…
kasi man created to pursue woman and woman is created to serve God first and take care of her “God’s best”.
Ilang beses mo na kong nilalayo sa kanya Lord,
sadyang naging matigas lang ang ulo ko at piniling magpakarupok.
Sa wakas di na nagpatinag si marupok sa salita, sa ulit-ulit na bolahan at patawaran na walang magandang patutunguhan kundi kapahamakan…
She finally said “no” to him, but “yes” to God.
“Yes Lord, hihintayin ko si God’s best”
“A player will always play and be the master of his game, but a man of God will act according to His master’s command.”