Finish Na!

Ito yung salita na panay kong nakikita sa social media ngayon, FINISH NA! hindi ko man alam ang pinagmulan, pero isa lang naaalala ko kapag nakikita ko ang salitang ‘to. Si Lord, yes Sya. Sya na nagsabi ng “IT IS FINISHED” John 19:30. Napakalinaw ng sinabi nya. Ibig sabihin tapos na. ‘wag mo ng dagdagan yung ginawa Nya sa Krus ng Kalbaryo. Any necessary works of ours will nullify the Grace of God.

Kaya kung nasa yugto ka ng buhay mo ngayon na pilit mong sinusunod ang sarili mo, at hindi ka dumepende sa sinasabi ni Lord aba, tigil na po kasi bandang huli masasaktan ka lang din. Ilaban mo lang ang dapat mong ilaban,basta dapat hingi ka pa rin ng wisdom kay Lord. Our fruit is evidence of the Holy Spirit’s work in our lives, not our own faithfulness.

IT IS FINISHED,FINISH NA! kaya tama na ang pagmumukmok, tumayo ka na ulit at ilaban natin yan!. (kung dapat ba talagang ipaglaban ha?)

Published
Categorized as Faith

By Sarah Jane Nacpil

A warrior who fights her battle through kneeling down before His Savior.

Exit mobile version