Force, Motion, at Energy

Force, sa tagalog eh puwersa
Ito yung lakas na nagpapabago sa iba
Kung saan ito ay pwedeng patulak o pahila
Tulak palayo, o hila papunta

Pwersa, na sa ibang salita eh pamimilit
Parang yung ikaw at sya na iyo pang iginigiit
Kahit ilang beses nang yung “kayo” sa iyo’y pinagkakait
Pero pinepwersa pa rin kahit puro na lang pait

Motion, sa tagalog eh galaw o kilos
Isang pagbabago sa isang bagay habang ang oras ay nalalaos
Pagbabagong nais mong mangyare sa sitwasyon nyong dalawa
Pinaglaban, kinilusan, gumalaw, ngunit walang epekto sa kanya

Energy, na mas kilala sa tawag na lakas
Isang kantidad na nagbibigay sa mga bagay ng tikas
Enerhiya na dapat ginagamit sa pagpapaganda ng bukas
Ngunit pinili mong gamitin sa kanya na damdami’y kumukupas

Sinayang yung puwersa o effor na nagamit sana sa iba
Nagwaldas ka ng oras kakaasang magbabago’t kikilos siya
Nilustay mo ang enerhiyang sana’y di na lang nilaan sa kanya
Pwersa, kilos, at lakas, nasayang lang sa iyong sobrang pag-asa

Hindi mo naman dapat pwersahin o ipagpilitan
Dahil kusang kikilos ang tadhana kung talagang kayo man
Gamitin ang enerhiya sa pagpapabuti ng ‘yong katauhan
Nang sa gayon walang masayang sa mga maling ipinaglaban

Kumilos ng tama ayon sa nararapat
Huwag nang ipilit ang damdaming hindi pa dapat.
Huwag ibuhos ang oras at lakas kakaisip kung pano magtatapat
Nang kinabukasan mo’y di maging chararat

Force is the effort that you implement
Motion is the way you choose the movement
Energy is the power supplement
These three should be used in only good intent

Kaya bruh, pakinggan mo ang aking suggestion
Wag mo munang i-force ang relationship nyo into motion
Kasi panigurado, mauuwi lang kayo sa relational frustrations
At yung inyong energy ay mauuwi lang into nonsense collision

Kaya ang lakas ay ilaan mo
Sa pagcu-cultivate ng sarili mo
Hindi na kailangang piliting mangyari ang iyong gusto
Maghintay ka lang, kusang kikilos ang Lord para sa buhay mo.

Exit mobile version