“Free from Mistaken Thought”

“Mistaken Thought” sa tagalog, “Maling Akala.” Naranasan mo na rin ba? Na akala mo “SIYA NA” talaga? Kasi masaya naman kayo eh. Sa saya at kalaungkutan, nandiyan kayo para sa isa’t isa. Mahal mo siya, at sabi niya ay mahal ka din niya. Parang wala namang mali diba?

Ngunit dumating sa punto na di mo inaasahang magbabago ang lahat. Yung bigla na lang siyang manlalamig. Bigla nalang siyang mag-iiba. Yung dating “KAYO” ay unti-unti ng lumalabo. Masakit diba? Pero patuloy kang lumalaban kasi para sayo, “SIYA NA TALAGA” akala mo, siya na. AKALA MO LANG PALA.

Kahit sobrang pagod kana, pinilit mo paring kumapit. Tiniis mo lahat ng sakit. Pinatawad mo lahat ng kanyang pagkakamali sa pag-asang maibabalik pa ang dati. At unti-unting ipapa realize sayo ni Lord na hindi dapat ganun. You should never beg for someone’s love. You should not degrade yourself. You deserve better. That one which can make you feel at peace hindi yung taong mababaliw ka na sa kakaisip kung ano ba ang kulang at mali sayo.

“WHEN GOD TELLS YOU, IT’S TIME TO LET SOMEONE GO AND YOU REFUSE TO, HE WILL ALLOW THE PERSON TO HURT YOU, TO THE POINT THAT YOU HAVE NO CHOICE BUT TO LET GO.”

Ikaw din pala ang dahilan kung bakit ka nasasaktan kasi pinipilit mo kahit alam mong dapat ay “TAMA NA. BITAW NA.” Pilit kang kumakapit sa salitang “SIYA NA” pero “MALING AKALA” lang pala.

It does not guarantee na matagal na kayong magka – relasyon ay SIYA NA ang para sayo. Always know your worth. If it’s not healthy anymore, pray, let go and LET GOD.

Child of God, YOU ARE A GEM! YOU ARE PRECIOUS! YOUR WORTH IS GREATER THAN GOLD.

Pray. Serve Him while waiting. And God will really give the RIGHT ONE for you. HINDI NA “MALING AKALA” kundi ang tao talagang iyong MAPAPANGASAWA.

PALAYAIN ANG SARILI SA “MALING AKALA”, MAGHINTAY HANGGANG DUMATING ANG TALAGANG “SIYA NA”

Exit mobile version