Maraming nagmamahal, marami rin ang nasasaktan. At sa pagdami ng nasasaktan, mas kumokonti naman ang nagmamahal. Bkit kumokonti? Simple lang ang dahilan, kumokonti na ang ang handang sumugal kasi dumadami ang natatakot masaktan.
Yung iba, naglalaro na lang after masaktan. Defense mechanism kumbaga. Nilulunok nila ang kasabihan na “mas okay na ang makasakit kesa naman ako ang masaktan.” Pero mas okay nga ba? Mas okay nga ba na magpakain ka sa anino ng sakit at pait na meron ka at ipasa mo to sa iba? Mali din naman diba?
Ang hindi kasi alam ng mga taong nasasaktan, kailangan lang ng panahon para muling may sumibol na magandang bagay mula sa mga puso nilang namatay na. Mula sa mga puso nilang naubusan ng likido kakadugo mula sa saksak ng mga punyal na nanakit sa kanila. Ang hindi nila alam, darating ang araw na mahuhugot ang mga punyal at mula sa mga sugat ay sisibol ang mga bagong binhi ng bukas. Mag binhing muling mamumulaklak at muling magbibigay kulay sa minsang nagdilim mong mundo.
Kaya kung minsan mang namatay ang buong pagkatao mo dahil sa sakit na iniwan ng taong minsan mong minahal, huwag kang basta susuko. Pwede mong hayaan ang sarili mong malugmok sa dugo na patuloy na bumubukal sa puso mong sugatan. Hayaan mong ito ang dumilig sa lupang kinadapaan mo. At hayaan mong mula sa sakit, mula sa sugat ay muling tumubo ang kakayahang muling magtiwala at muling magmahal. Hayaan mong ang sakit ang magturo sa’yo sa tamang tao na handa kang tanggapin kahit pa gaano kadami ang pilat na iniwan sa iyo ng iyong kahapon. Ang taong magtuturo sa’yo na muling mahalin ang sarili mo na minsan mong kinamuhian, ang sarili mo na pinaniwaalan mong hindi kamahal-mahal kasi minsan kang iniwan. Ang magtatama sa lahat ng mali sa buhay mo. At yung tao na mamahalin ka ng perpekto kahit pa gaano ka kaimperpekto sa mata ng iba.
Huwag mong isipin na katapusan na ng mundo kapag iniwan ka ng taong mahal mo. Dahil nasisiguro ko na mula sa puso mong namatay, may sisibol na mas maganda na maghuhubog sa’yo na maging mas mabuting tao.