Isang araw nagising na lang ako na tila nalulunod,
Nalulunod sa pag-asa na minsa’y magbabalik pa siya sa piling ko
Sinubukan kong tiisin ang sakit na dulot niya,
Sinubukan kong unti-unting tumayo at umahon sa kinalugmukan ko
Hindi naging madali ang proseso na ito,
Lumilipas ang umaga’t gabi na ipinagdarasal ko na sana’y iangat niya ako
Na sana’y tulungan niya akong bumangon sa pagkakataon na ito,
Na sana’y magbalik ang pag-iibigan na pinangakong walang hanggan
Ngunit sa hindi inaasahan na panahon,
Hindi ko alam kung binibiro lang ako o itinadhana na
Dumating ka’t inaabot ang ‘yong mga kamay at sinabing ‘anak, huwag na huwag kang susuko, marami pang nagmamahal sa’yo’
Kumapit ako sayo at nagtiwala,
At sa pagkakataon na ‘yon doon ko naramdaman na nagbalik na ang dating ako
Doon ko naramdaman na may dakila pa ngang pag mamahal,
Dakila sapagkat kahit nahihirapan kana’y hindi mo ako sinukuan at tinalikuran
Kaya sa dakila kong pag-ibig,
Pakiusap…
‘Wag mo akong iwanan..