HAHAYAAN NA MUNA KITA

Hahayaan na muna kita. Oo tama ang rinig mo hahayaan na muna kita, alam kong ‘yan ang kailangan mo ngayon. Yan ang gusto mong hingin sa’kin kaso hindi mo kayang sabihin, kaya ako na ang magkukusang magsabe sa’yo na hahayaan na muna kita. Alam kong nasa gitna ka ngayon ng Ayaw mo kong masaktan at Gusto mong sumaya, alam kong litong-lito ka na ngayon kung anong daan ang pipiliin mo, nakikita ko ‘yun sa mga mata mo, nararamdaman ko din sa bawat salitang binibitawan mo sa’kin, sino naman ako para ipagkait sa’yo ang kasiyahan mo, isa lang naman akong kaibigan na nagmamahal sa’yo. Ang sakit sa puso kapag nakikita ko ang labis na pangungulila mo sa kanya. Lahat ginawa ko nag babakasakaling mapalitan ko s’ya sa puso mo baka makita mo na ‘ko, baka ako naman ang piliin mo. Ginawa ko kahit alam kong mali kapalit ng kasiyahan mo, hinayaan kong masaktan ako makita ko lang ulit ang mga ngiti mo, kahit alam kong sa bawat pagsasama natin s’ya ang nasa puso mo, s’ya ang iniisip mo. Alam kong panakip butas lang ako, ramdam ko na kapag bumalik s’ya maiiwan na namana pero hindi ako natakot na sumugal ulit, na sumubok ulit, kahit alam kong sa dulo ng larong ito ako ang talo, ako lang din ang masasaktan. Ramdam ko din na sa bawat pag ngiti mo iniisip mo na sana sya ang kasama mo, na sana sya ang dahilan ng mga ngiti mo. Pero sa kabila ng lahat ng yan, ni minsan hindi mo narinig sa’kin na

“Pagod na ko” o kahit ang salitang “Ayoko na”

Sa bawat pag-aya mo sakin ang tangi ko lang sagot ay “Tara, akong bahala sa’yo”

“Kaya mo yan” sa bawat luhang pumapatak sa mga mata mo.

“Hindi ganyan pagkakakilala ko sa’yo” sa mga pagkakataong tinatanong mo ang sarili mo kung ano bang nangyayari sa buhay mo.

Hinayaan kong sabihan mo ko ng masasamang salita, dahil alam ko dala lang ng kalungkutan yan, alam kong hindi ka galit sakin dahil nasasabi mo lang yun dala ng sitwasyon, hindi ako nagalit sa’yo patuloy kitang inintindi, patuloy kitang sinuportahan kahit mundo na ang nagsasabe na tama na. Initindi kita sa mga panahong tinalikuran ka na ng lahat. Hindi ako tumalikod sa’yo sa kabila ng sakit na nararamdaman ko. Dahil isa lang naman ang hiling ko ang bumalik ang tunay mong ngiti. At sa pagkakataong ito, unti-unti ko ng nasisilayan ang ngiti na matagal ng nabura sa’yo. Unti-unti lumiliwanag ang mukha mo, kaya sino ba naman ako para ipagkait sa’yo yan. Kaya ngayon mahal, hahayaan na muna kita. Sige na tumungo kana kung saan sya naroroon. Kung saan naroroon ang taong mahal mo. Pero teka lang huwag ka munang maglakad, hayaan mo muna akong tumalikod sa’yo, dahil kapalit ng pagtalikod ko ay ang kasiyahan mo, hayaan mo munang makalayo ako sa’yo. Tumalikod ako mahal hindi dahil hindi na kita mahal, ayokong makita mo kong mahina at umiiyak sa harapan mo, ang nais ko lang sana sa bawat hakbang ko ang tanging maalala ko lang ay ang tunay mong ngiti. Huwag kang mag-alala, dun ako kung san ka sasaya, dun ako kung san ka maligaya. Wala ng mangungulit sa’yo kung kumain ka na ba? Kung nasan ka na? Kung nakauwi kana? Gumising ka ng maaga dahil wala ng tatawag sa’yo para gisingin ka. May bago na palang gagawa nyan para sa’yo.

Ang hiling ko lang mahal, huwag mo na munang banggitin ang pangalan ko hanggang sa makalayo na ko. Isa lang ang maipapangako ko sa’yo. Bumalik ka lang kung saan natin tinapos ang lahat at isigaw mo lang ang pangalan ko, pangako mahal lilingun ako at babalikan ka. Pero sa pagkakataong ito, hahayaan na muna kitang sumaya sa piling nya, kahit nasan ka man pangako ipagdarasal pa din kita. Salamat sa mga oras na naging masaya tayo kahit na panandalian lang. Naging malaking parte ka ng buhay ko

Published
Categorized as Poetry

By christine salonga

Assuming

Exit mobile version