Sabi nila kung mahal mo hindi ka mapapagod mahalin,
kung mahal mo hindi ka magsasawang intindihin,
na kung mahal mo sapat na dahilan na iyon para patawarin sya at bigyan ng pagkakataong magbago,
kung mahal mo sapat na dahilan na iyon para piliin mong manatili at ipaglaban ang relasyon na meron kayo.
Pero sapat na nga ba iyon?
Hanggang kailan mo kailangan intindihin ang isang tao?
hanggang saan mo kailangan ipaglaban ang relasyon ninyo?
Hanggat mahal mo pa?
Kahit na sa paulit ulit na dahilan ka na lang nasasaktan?
Sa isang relasyon dapat pareho kayong nag go-grow
Oo, may nauuna at may nahuhuli
pero dahil din sa paulit ulit mong pag bibigay ng pagkakataon sa kaniya sa parehong pagkakamaling nagawa niya hindi na siya natututong magbago
natututo lang siyang dumepende sayo kase alam niyang iintindihin mo at tatangagapin mo ang buo niyang pagkatao.
Kung mahal mo ipaglalaban mo, pero kung mahal mo rin ang sarili mo dapat alam mo kung kailan dapat pakawalan ang taong hindi na nakakabuti para sa iyo.