Hanggang Kailan Kita Dapat Mahalin?

Ang sarap sa tenga ng salitang mahal kita

pero paano ko ito sasabihin kung nagkakasakitan na?

mga matatamis na lambingan na gusto nating pagsaluhan,

bakit ngayon napalitan ng sakit at iyakan

Yung puso ko, alam ko, ikaw lang ang mahal.

Kaya irog ko, maniwala ka gusto ko tayo ay magtagal.

Ngunit kung sa away at tampuhan tayo at patatalo,

Aminado ako parang masisisra na itong aking ulo.

Wala namang perpektong relasyon,

At ang ayusin at pagbutihin ang isa’t isa ay ating desisyon.

Iniisip kong mabuti saan ba tayo nagkulang?

O baka sadyang nasobrahan lamang

Sa taas ng pride, ayaw patatalo sa bawat isa

Di ko tuloy mawari, may pagmamahal pa bang nadarama?

Nasan na ang ating mga binuong pangarap,

Yung pamilyang hindi susuko anuman ang maganap.

Ngunit paano tayo bubuo ng pamilya,

kung tayong dalawa at nawawasak na.

Hanggang kailan ako aasa na ang bawat unos ay dumadaan lamang?

Na hindi nito tatangayin an gating mga nasimulan,

Mga sakripisyo at hamon na atin nang nilagpasan.

Mahal sabihin mo naman na huwag akong sumuko,

Dahil itong puso ko luha na ang pumupuno.

Ikaw at ako, tayo na lang sana palagi,

At ang pag ibig n asana ay di mapapawi.

Pero ngayon na sumuko ka na, nahihirapan ang aking mga mata,

Na makitang muli ang liwanag ng iyong pagsinta,

Pakiusap, sabihin mo tunay ang iyong pagtingin,

At sagutin ang katanungang hanggang kalian kita dapat mahalin?

Exit mobile version