Hanggang sa Muli

“Ina” itinuring na ilaw ng tahanan, iyong nakasanayan Mula ng ika’y isinilang
Ina na Iyong masasandalan at makakapitan kapag ikaw ay nangailangan.

Pero bakit ganon?
Ipinagkait sa akin ng tadhana ang inaasam asam kong saya na magmumula sa aking ina
Ina, tatlong letra pero ipinagkait sa akin ng tadhana simula pagkabata
Aking ina na pinangarap kong makita’t makasama hanggang sa pagtanda.

Aking Ina na kahit minsan ay di ko man lang nasilayan at nahawakan mula ng ako’y isinilang
Ikaw ay lumayo at hindi na nagparamdam
Ngunit sa aking puso ikaw Ang tanging inaasam asam.

Pinagdarasal ko sa Panginoon na sana magkita tayo
At makasama ka kahit sa maikli lamang na panahon
Pero bakit ganon?
Dumating ang araw na merong nakarating sa aming balita
Ikaw daw ay wala na o aking Ina
Ako ay nabigla at parang Mundo ko’y gumuho na.

Gusto kitang hagkan pero Hindi ko magawa dahil ngayon mananatili ka na lang sa aking alala.
Alala na hanggang imahinasyon na lamang,
Alaalang Hindi na mababalikan kailan man.
O aking Ina miss na miss na Kita,
Hanggang sa muli sana’y muli tayong magkita.

Exit mobile version