Hanggang saan ka lang ba talaga?
Minsan nang may kumausap sakin. Minsan di ko nga pinansin. Ngunit minsang tumatak sa akin mga salita niyang ni minsan di ko naman pinansin. Sabi ko pa non, “sus wala naman patutunguhan ‘to, bakit pa?”.
Isa lang naman kasi itong one way kung saan dadaanan ka lang nya tapos sa iba na iikot mundo niya.
Hanggang sa unti-unti nang mahulog ang loob sa tabas ng dila niya, sa lalim ng mga salitag binibitiwan niya. Hanggang sa bumigay na ‘tong puso kong matagal na palang hinahanap ang gaya niya.
Hanggang sa nangako na kaming dalawa na hanggang dulo tayo na. Hanggang sa walang hanggan di magsasawa sa isa’t isa. Para bang kasalan ang dating kulang na lang sa loob ng simbahan at ang singsing.
Hanggang isang araw, bigla ka na lang nawala.
Nalaman ko na lang, hindi pala nalaman kundi naramdaman na wala na ‘yong dating ikaw. Ramdam ko kahit di mo ipaalam. Kung kaya ng utak manipulahin ang lahat ng iniisip at galaw, ang puso ni kailanman di kayang magsinungaling.
Hindi mo na ba kayang magtagal? Hindi pa tayo opisyal na nagsisimula sumuko ka na? Mabagal ba ang usad ng panahong maghintay?
Hanggang dito na lang ba?
Hanggang sa nilabanan ko yung sakit na nararamdaman ko. Nagmukhang malakas kahit sa loob ko’y wasak na. Pinilit kong maging malakas para pag bumalik ka, isa na akong pader. Walang pinto para pagbuksan ka pa.
- Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan.
Hanggang mauntog ka sa pader.