Madalas kong tanungin ang sarili ko
Hanggang saan ang kaya kong tiisin
Yung simpleng hindi mo pagpansin
Yung kulang sa atensiyon at panahon mo para sa atin?
Madalas pansin ko, parang sawa ka sa atensiyon kong bigay
Siguro kasi alam mong palagi akong nandito
Sa panahong kailangan mo ako,
Iniisip mo pa lang, andiyan na ako.
Pero sa panahong ako naman ang mangailangan, andiyan ka kaya?
O baka dapat hindi na ako aasa pa
Madalas din yung mga pangako mo kasi napapako.
Siguro wala lang sayo
Pero para sa isang taong nagmamahal tulad ko, langit at batas ang iyong salita
Alam mo kasing hindi kita matitiis kaya para bang normal lang lahat
Sanay ka sa attensiyon kong bigay lagi sayo
Kahit parang balewala na ako
Okay lang, ganun talaga siguro
Pero sana sa panahong ikaw naman ang maka alala sana andiyan parin ako
Handa kang tanggapin
At ibalik sa dati ang lahat
Takot akong sa panahon na suko na ‘ko
Ikaw naman ang handang gawin lahat
Kaso, baka nga talaga ayaw nang tadhana na maging masaya
Lahat na lang nang ibigin ko ayaw sa aking ibigay
Bakit kaya?
Baka hindi talaga para sa akin ang pag-ibig?