Yes, nagtatago ako ng nararamdaman, nanaman. Ang hirap lang sa pakiramdam na nahuhulog ka sa taong hindi mo dapat mahalin ng higit pa sa kaibigan. Ang hirap lang din maramdaman na baka nakakaramdam na siya at napaparanoid ka na baka umiwas siya sayo, at yun ang nakakatakot na senaryo ng buhay ko kung sakali. Ang hirap lang din sa part ko na lagi akong naghihintay ng replies mo eh dati naman hindi. Ang hirap lang din na itago ung excitement ko sa tuwing malalaman kong magkikita tayong magtotropa, syempre in that way lang kita makikita, dati naman hindi ako ganito ka excited. Ang hirap talaga magtago ng nararamdaman lalo na’t lagi kitang nakakasama, ang hirap magpigil, ayokong iwasan ka dahil ayokong maramdaman mong may namumuong pagkagusto ang kaibigan mo sayo. Mabilis kang makaramdam alam ko, ayokong baguhin treatment ko sayo at ayoko rin naman na sumobra ang pagaalala ko sayo. Baka nga kasi makaramdam ka, nagtatago nga ako diba? I’m acting now like i don’t give a damn on everything that you do everyday. But I’m hoping you’re doing good and you’ll be safe all the way.
Medyo matagal tagal na rin nung nagkakilala tayo. Naging tropa na kita at tinuring na pamilya, pero after how many months na nakakabonding kita kasama tropa, these feelings grew.. Akala ko baka wala lang para saken yung pagiging clingy mo. Wala lang talaga sakin yon dahil alam kong ganun ka talaga at parehas lang tayong clingy sa lahat ng tropa naten, but eventually ako tong si shungabels, naging marupok for the nth times. Maybe it’s just my infatuated feeling wakes up again.
Ang hirap magpigil ng nararamdaman at ayokong umamin dahil ayokong mawala ang pagkakaibigan naten, ayokong maulit ang katangahan ko at ayokong mawala ka sa buhay ko. Sabi ng workmate ko “erp, take the risk, umamin ka na, malay mo yan na” yun na nga! Aasa nanaman tayo sa salitang “malay mo” but in the end olats pa rin times 2, dahil pati pagkakaibigan naten ay masisira. Ayoko na ng ganung senaryo. Masakit, ayoko na maulit. Kaya magtatago na lang ako sa anino ng pagiging kaibigan mo at hintaying mawala tong nararamdaman ko at manumbalik ako sa dating ako sayo.